Cignal, Philips Gold haharap sa mahalagang laban
MANILA, Philippines – Ibalik ang kumpiyansa matapos matalo sa kanilang mga huling laro ang balak ng Philips Gold Lady Slammers at Cignal HD Lady Spikers sa pagtungo ng 2015 Philippine SuperLiga (PSL) Grand Prix volleyball tournament ngayon sa Malolos Sports and Convention Center sa Malolos, Bulacan.
Ito ang unang Spike of Tour ng conference at tiyak na matutuwa ang mga magsisipanood dahil bigay-todo ang apat na maglalabanan dahil sa kahalagahan ng makukuhang tagumpay.
Makakaharap ng Lady Slammers ang Meralco Power Spikers sa ganap na alauna ng hapon habang ang HD Lady Spi-kers ay sasagupa sa RC Cola-Air Force Raiders dakong alas-3.
Papasok ang Philips Gold mula sa four-set pagkatalo sa Foton Tornadoes upang magwakas ang naunang apat na dikit na panalo sa ligang inorganisa ng SportsCore at handog ng Asics at Milo bukod sa suporta ng Mikasa, Senoh at Mueller at ipalalabas sa TV5.
Sa kasalukuyan ay nasa ikatlong puwesto ang Lady Slammers sa 4-2 karta pero gagawin nila ang lahat para makaba-ngon agad at maiusad ang isang paa sa semifinals.
Handa naman ang Meralco na pigilan ito para wakasan ang anim na sunod na panalo at manatiling bukas ang pintuan para maipagpatuloy ang kampanya sa liga.
Sa 0-6 karta, kailangan ng Meralco na maipanalo ang nalalabing apat na laro at manalangin na ang Philips Gold at Foton Tornadoes ay hindi na manalo pa.
Matapos ang 5-0 start, dumapa ang Cignal sa unang dalawang laro sa se-cond round laban sa Petron at Foton para maunahan pa ng nagdedepensang kampeon Petron na pumasok sa semifinals.
- Latest