^

PM Sports

Port Angeles nanalo sa JRA Trophy Race

Pang-masa

MANILA, Philippines – Pinangatawanan ng Port Angeles ang pagi­ging paborito sa walong naglaban nang kunin ang Japan Racing Association (JRA) Trophy Race kahapon sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Si Mark Alvarez ang dumiskarte sa two-year old filly na kumarera kasama ang coupled entry na Stark at mula sa simula hanggang natapos ang karera sa 1,300m distansya ay hindi naunahan ang nanalong kabayo.

Ang mga coupled entries na Luneta Park sa pagdiskarte ni Jessie Guce at Mount Iglit ni JPA Guce ay nagsikap na agawin ang panalo nang pinagtulungan na habulin ang nagsosolo sa unahan na Port Angeles. Sa rekta ay kalahating agwat lamang ang layo ng Port Angeles at Mount Iglit habang ang Luneta Park ay tila nagbabadya na rumemate.

Ngunit nagpapakagat lamang pala ang kabayo ni  Alvarez dahil bumuhos pa ito sa huling 50-metro ng labanan tungo sa dalawang dipang panalo sa Mount Iglit.

May lahing Cat Brulay at Teresina, ang ti­yempo ng Port Angeles ay 1:22.8 sa kuwartos na 7, 24, 25, 26’ upang angkinin din ang P180,000.00 unang premyo mula sa P300,000.00 na total prize sa tampok na karera sa huling araw ng pista sa Manila Jockey Club Inc. (MJCI).

Napaboran ang nanalong kabayo dahil galing ito sa panalo noong Agosto 18 habang nabigo ang Mount Iglit na masundan ang tagum­pay noong Agosto 19.

May pakonswelo na P67,500.00 ang nasabing kabayo habang ang Luneta Park na pumangatlo ay may P35,500.00 premyo. Ang Gunga Din ang pumang-apat para sa P15,000.00 gantimpala. Ang mga pumanig sa Port Angeles ay may P10.50 sa win at P13.50 sa P5-1 forecast. (AT)

vuukle comment

ACIRC

AGOSTO

ANG

ANG GUNGA DIN

CAT BRULAY

JAPAN RACING ASSOCIATION

JESSIE GUCE

LUNETA PARK

MANILA JOCKEY CLUB INC

MOUNT IGLIT

PORT ANGELES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with