^

Kabayong Skyway ‘di natinag

(Pang-masa) - August 23, 2015 - 10:00am

MANILA, Philippines – Hindi pa rin natitinag ang Skyway sa itaas sa hanay ng kita ng mga panga­rerang kabayo matapos ang pitong buwan. Kumabig na ang Skyway ng P3,139,735.79 premyo upang maungusan ang tatlong kabayo na nagkampeon sa idinaos na Triple Crown Championship.

Tampok na panalo na nakuha ng kabayong pag-aari ni Narciso Morales ay ang PSCO Silver Cup noong Hunyo para sa P2.5 milyong premyo. May limang panalo at dalawang segundo puwestong pagtatapos ang baraha ng nasabing kabayo.

Nasa pangalawa ang first leg Triple Crown champion Superv tangan ang P3,003,949.69 matapos ang apat na panalo bukod pa sa dalawang segundo at tatlong terserong pagtatapos.

Ang nagkampeon sa second at third leg ng karerang bukas lamang para sa mga edad tatlong taong gulang na Court Of Honour at Miss Brulay ang nasa ikatlo at apat na puwesto.

Nasa P2,823,490.17 ang kinita na ng Court Of Honour bitbit ang apat na panalo, isang segundo at tatlong tersero habang ang Miss Bruley ay may P2,362,949.67 mula sa apat na panalo.

May  pitong panalo at apat na segundo puwesto ang Low Profile para makapaghatid sa kanyang connections ng P2,102,488.06 premyo at hagipin ang ikalimang puwesto.

Ang papaangat na Messi ang isa pang kabayo na nasa dalawang milyon kita  sa P2,088,841.12 mula sa 10 panalo at tig-dalawang segundo at tersero puwestong pagtatapos.

Ang kukumpleto sa mga kabayong nasa unang sampung puwesto ay ang Sky Hook na may P1,852,918.96, Strong Champion na may P1,802,600.21, LifeIs A Bounty na mayroong P1,779,893.19 at Money Talks na mayroong P1,762,197.11 premyo. (AT)

A BOUNTY ANG COURT OF HONOUR LOW PROFILE MISS BRULAY MISS BRULEY MONEY TALKS NARCISO MORALES PANALO SILVER CUP SKY HOOK
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with