_pang-masa
^

Accel PBA Press Corps Player of the Week

(Pang-masa) - February 10, 2015 - 12:00am

MANILA, Philippines – Sapul nang isama sa starting lineup sa nakaraang dalawang laro ay mas gumanda ang laro ni Rain or Shine combo guard Paul Lee.

Umiskor ang Rain or Shine gunner ng walo sa huling 13 puntos ng Elasto Painters sa fourth quarter para sa kanilang 96-91 panalo laban sa NLEX Road Warriors.

Tumapos siya na may 25 points, 4 rebounds at 3 assists para hirangin bilang Best Player.

Matapos ang tatlong araw ay muling nagbida si Lee nang isalpak ang mahahalagang free throws sa dulo ng final canto para sa 104-98 panalo ng Rain or Shine laban sa Globalport.

Muling nagtala ang batang Tondo ng 25 points na tinampukan ng 10-of-10 shooting sa free throw line.

Dahil sa kanyang kabayanihan, napili si Lee bilang Accel-PBA Press Corps. Player of the week.

Si Lee ang responsable sa unang back-to-back wins ng Elasto Painters matapos buksan ang PBA Commissioner’s Cup sa 86-89 kabiguan sa Talk ‘N Text.

Nagtala ang sweet-shooting guard mula sa University of the East ng mga averages na 25.0 points, 4.5 rebounds at 2.0 assists.

“Big challenge kasi para sa akin na every time i-start niya (coach Yeng Guiao) ako, dapat maganda agad start ko,” sabi ni Lee. “Pagtrabahuhin ko lang siguro kasi china-challenge niya lang ako, pero maganda rin para sa akin yun.”

BEST PLAYER ELASTO PAINTERS N TEXT PAUL LEE PRESS CORPS ROAD WARRIORS SI LEE UNIVERSITY OF THE EAST YENG GUIAO
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with