^

PM Sports

Nasaan na si JVee Casio?

Pang-masa

MANILA, Philippines - Matapos bumandera sa unang tatlong laro sa ka­nilang championship series ay tila nawala sa eksena si Alaska starting point guard JVee Casio.

Sa kabiguan ng Aces sa San Miguel Beermen sa Game Four at Five ng 2014-2015 PBA Philippine Cup Finals ay hindi nakaiskor si Casio.

Ito ang unang pagkakataon na walang naiambag na puntos ang dating kamador ng La Salle Green Archers sa UAAP.

Pinabulaanan ni coach Alex Compton na may iti­natagong injury ang 5-foot-9 na si Casio.

“JVee will be fine,” wika ni Compton ukol sa dalawang matamlay na laro ni Casio sa kanilang best-of-se­ven title series ng San Miguel.

Hindi nilinaw ni Compton kung totoong may injury si Casio.

“I had a very family approach to the team. I know you guys have jobs to do so I apologize,” ani Compton. “But sometimes there’s some stuff that’s family business, so I don’t always disclose everything. I hope you guys understand.”

Sa kanilang kabiguan sa Game Four ay nagtala si Ca­sio ng 0-of-2 fieldgoal shooting at 0-of-8, kasama dito ang 0-of-6 clip sa three point range, sa pagkatalo nila sa Game Five. (Russell Cadayona)

 

ALEX COMPTON

CASIO

COMPTON

GAME FIVE

GAME FOUR

LA SALLE GREEN ARCHERS

PHILIPPINE CUP FINALS

RUSSELL CADAYONA

SAN MIGUEL

SAN MIGUEL BEERMEN

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with