^

PM Sports

Ibarra nagpasikat

Pang-masa

MANILA, Philippines – Nagpasikat ang anak ng premyadong kabayo na Ibarra na Pamulinawen nang pangunahan ang 3YO Handicap race noong Martes ng gabi sa Metro Turf sa Malvar, Batangas.

Ang tatlong taong filly na Pamulinawen na diniskartehan ni Val Dilema ang siyang nakapagdomina sa 3YO Handicap race na inilagay sa 1,400-metro distansya.

Anim na kabayo ang naglaban at kondisyon ang nanalong kabayo dahil banderang-tapos ang nangyari sa tagisan.

Naglaban sa panga­lawang puwesto ang Pag Ukol Bubukol, Mayday at Luau pero naka­hulagpos ang Mayday papasok sa rekta para makuha ang pangalawang puwesto.

Umabot pa sa P18.50 ang ibinigay sa win habang ang 5-2 forecast ay naghatid ng P23.00.

Unang nagpapansin sa gabing ito ay ang Malaya na pinangatawanan ang pagiging outstan­ding favorite sa Special Class Division race sa 1,600-metro distansya.

Si Jonathan Hernandez pa rin ang hinete ng apat na taong gulang na kabayo na tumapos sa ikaapat na puwesto sa pangkalahatan kung kita sa horse racing noong nakaraang taon ang pag-uusapan.

Banderang-tapos ang ginawa ng tambalan na isang malakas na mensahe na mas magiging palaban ang Malaya sa taong 2015.

Malayong puma­ngalawa ang That Is Mine sa pagdadala ni RF Torres para madehado pa ang forecast na 3-1 sa P25.00. Ang win ay nagresulta sa balik-ta­yang dibidendo (P5.00).

Ang iba pang nanalo ay ang Pag Asa sa race two, Princess Jem sa race four, Cool Summer sa race five, Palakpakan sa race six, Mo Neck sa race seven at Never Cease sa race eight. (AT)

vuukle comment

COOL SUMMER

METRO TURF

MO NECK

NEVER CEASE

PAG ASA

PAG UKOL BUBUKOL

PAMULINAWEN

PRINCESS JEM

RACE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with