Bulls puntirya si Love
MANILA, Philippines - Maaaring makaapekto sa binubuong ‘Big Three’ ng Cleveland ang pag-uusap ng Chicago Bulls at ng Minnesota Timberwolves kaugnay kay forward Kevin Love.
Inaalok ng Cavaliers ang No. 1 overall draft pick na sina Andrew Wiggins at 2013 top pick Anthony Bennett para makuha si Love mula sa Timberwolves.
Subalit kasama pa rin sa eksena ang Bulls.
Kabilang sa magiging trade options ng Bulls ay sina dating first-round picks Taj Gibson at Jimmy Butler.
Matagal nang nag-uusap ang Cleveland at ang Minnesota matapos kunin ng Cavaliers si superstar forward LeBron James.
Kinausap ni James si Love para sa kanilang pagtatambal dahil isinasama ng Cavaliers si Wiggins sa isang posibleng trade.
- Latest