Pangilinan napiling PSA Executive of the Year
Rosalinda L. Orosa (Pang-masa) - January 13, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines - Dahil sa kanyang ma­la­king kontribusyon para sa Philippine sports noong nakaraang taon, hinirang si Manny V. Pangilinan bilang Executive of the Year ng Philippine Sportswriters Association (PSA) sa darating na Annual Awards Night sa Enero 25 sa Centennial Hall of the Ma­nila Hotel.

Si Pangilinan, ang chair­man ng Philippine Long Distance Compa­ny/Smart and TV5, ang ikaapat na personalidad na pararangalan ng pi­na­kamatandang media orga­nization sa isang formal affair na inihahandog ng Milo at Air21 bilang mga major sponsors.

Ang mga nauna nang nabigyan ng PSA Executive Award ay sina Philippine Azkals team manager Dan Palami, Association of Boxing Alliances in the Philippines (ABAP) pre­sident Ricky Vargas at PBA commissioner Chito Sa­lud.

“We can’t think of any other persons worthy of the Executive of the Year award than Mr. Manny V. Pangilinan himself,” sa­bi ni PSA president Jun Lo­mibao ng the Business Mir­ror.

Bilang pangulo ng Sa­mahang Basketbol ng Pi­lipinas (SBP) ay binande­rahan ni Pangilinan ang ta­on kung saan muling pu­maimbulog ang mga Fi­lipino cagers.

Ang pinakatampok di­to ay ang paglalaro ng ban­sa sa world championship matapos ang 35 taon.

Sumegunda ang Gilas Pilipinas sa 27th FIBA-Asia Men’s Championship noong Agosto.

Ang pagsasagawa ng na­sabing qualifier para sa FIBA-World Cup sa Spain ay muling naidaos sa bansa makaraan ang 40 taon sapul noong 1973.

Katuwang ng PSA sa pamamahala sa Annual Awards  ang Smart Sports, Philippine Sports Com­mission, Philippine Bas­ketball Association, Ac­cel at3XVI, Philippine Cha­rity Sweepstakes Office, Philippine Amusement and Gaming Corp., Glo­balport, Air21, Rain or Shine, ICTSI-Philippine Golf Tour at si Senator Chiz Escudero.

 

ANNUAL AWARDS ANNUAL AWARDS NIGHT ASIA MEN ASSOCIATION OF BOXING ALLIANCES BUSINESS MIR EXECUTIVE OF THE YEAR PANGILINAN PHILIPPINE SHY
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with