Kakalabanin ba ni Viloria si Melindo?
CEBU, Philippines - Si Brian Viloria na ang magdedesisyon kung ide-depensa niya ang kanyang WBO flyweight title laban sa kanyang kapwa Pinoy na si Milan Melindo o hindi.
“It’s a waiting game. We have to talk to the Viloria camp and know what their plans are,” pahayag ni ALA Promotions president Michael Aldeguer.
Si Melindo ay nasa ilalim ng ALA Promotions at bago pa man kalabanin ni Viloria si Mexican Hernan ‘Tyson’ Marquez noong Linggo, naideklara nang ang undefeated fighter mula sa Cebu ang siyang magiging mandatory challenger.
Sinabi ni Aldeguer na inihayag sa WBO convention and ratings conference noong nakaraang buwan na ang mananalo sa Viloria-Marquez bout ang susunod na kakalabanin ni Melindo.
“We have 30 days to negotiate for this fight. We’re not sure what will happen. What we’re sure of though is that Melindo is the mandatory challenger to the WBO crown,” sabi niAldeguer.
Tinanong si Melindo sa posibilidad na ito bago niya hinarap si Venezuelan Jean Piero Perez noong September sa Cebu City kung saan nanalo siya sa puntos. Sinabi ng 24-gulang na si Melindo na ngayon ay mayroon nang 28-0 win-loss record kabilang ang 11 knockouts na handa siyang harapin si Viloria kung ito ang utos ngWBO.
Pinabagsak ni Viloria si Marquez sa ika-10th round ng kanilang sagupaan para sa unification ng WBO at WBA flyweight titles at hindi magtatagal ay kailangan niyang magdesisyon para sa kanyang susunod na laban.
May ilang option si Viloria.
Maaaring bakantehin ng 31-gulang na Fil-Ame-rican ang WBO crown at idepensa lamang ang WBA title kontra kay Nicaraguan Roman ‘Chocolatito’ Gonzalez o maaari niyang ipilit ang unification bout kina WBC flyweight champion Toshiyaki Igarashi ng Japan o IBF king Moruti Mthalane ng South Africa.
Kung pipiliin ni Viloria na bakantehin ang WBO title, malaki ang posibilidad na lalaban si Melindo para sa bakanteng korona kontra sa isa ring Pinoy na si Froilan Saludar.
“Whatever it is, this is good news for Philippine boxing,” sabi ni Aldeguer.
- Latest