Abdul-Jabbar pinarangalan sa pamamagitan ng statue
LOS ANGELES - Pinarangalan si six-time NBA champion Kareem Abdul-Jabbar ng Los Angeles Lakers sa isang emosyonal na seremonya nang iladlad ang tansong estatwa ng Hall of Famer sa Staples Center.
Nakasama ni Jabbar, ang all-time leading scorer ng NBA sa kanyang 38,387 points, sina sports greats Wayne Gretzky, Earvin 'Magic' Johnson, Jerry West at Oscar De La Hoya sa grupo ng mga may rebulto sa Star Plaza na tahanan ng Lakers.
Nagpalakpakan ang mga fans nang ipakita ang 16-foot-tall na imahe ni Jabbar.
Umulan ng mga confetti na kulay ng Lakers sa stage kung saan ilang minuto matapos ito ay nakinig si Abdul-Jabbar kina NBA greats Johnson, West, Pat Riley at James Worthy.
“I want to thank you fine gentlemen for helping me through this tonight,” sabi ng 65-anyos na si Jabbar. “My stomach, it's full of butterflies.”
“It didn't happen during a game. It never happened during a game but dealing with people is a different issue, so hopefully I will get through this,” dagdag pa nito.
- Latest