Zombie Family (371)

Gilda Olvidado (Pang-masa) - March 5, 2020 - 12:00am

NI-RESEARCH nga ni Leilani ang mga bachelors na mayayaman sa Metro Manila. Gusto lang naman niyang mapagkuwartahan dahil si Nikolai pa rin ang mahal niya.

Kaya pumili siya ng matandang binata na sobra ang yaman, mara­ming mga kompanya at ari-arian.

Si Jose Comendador.

At alam pa niya ang isa sa mga kompanya nito, kung nasaan ang building.

Gamit ang perang bigay ng waiter ng coffee shop, nakarating siya sa building.

Comendador Pro­perties.

Ngumiti siya kaagad sa security guard.

Ngiti naman din kaagad ito, gandang-ganda.

“Saan po kayo, Ma’m?”

“Friend ko ang secretary ni Mr. Comendador, si Chona Castillo.”

Na-research din niya kung sino ang dapat kontakin kapag may kailangang importante kay Jose Comendador, ang sekretarya nitong si Chona.

Taka yata ang guard dahil ni wala siyang dalang bag.

Biglang pinalungkot nang husto ni Leilani ang napakagandang mukha. “Kailangan ko ang tulong niya. Nai-snatch ang bag ko, e.”

“Pero baka wala pa siya, Ma’m. Mga alas-diyes ng umaga po kung dumating ‘yon.”

“Alam ko. Pero puwede bang maghintay na lang ako sa labas ng office niya?”

Nawala sa tamang pagdidisisyon ang guwardiya dahil distracted sa kagandahang kapag ngumingiti ay nakakatulala.

“Sige ho. Puwede. Hindi naman kayo mukhang may  masamang balak. Pasok na kayo. Nasa top floor ang office.”

“Ah, oo. Alam ko kasi nakapunta na rin naman ako sa office ni Chona. Thanks, ha?”

Napakaregal nang pag­lakad ni Leilani, pati nang pasakay na siya sa elevator, lalaki man at babae, mesmerized sa kanyang ganda.

Napapailing na lang ang guwardiya na ang mga mata ay nakasunod pa rin sa hindi niya alam ay siya palang flying zombie.

Medyo nagtaka lang si Leilani sa kanyang sarili. Dahil habang nasa elevator na siya kasama ang ibang tao, napapatingin siya sa ulo ng mga ito. At  gutom na gutom ang pakiramdam niya, meron sa loob ng ulo na gustung-gusto niya. ITUTULOY

 

ZOMBIE FAMILY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with