Sanggol ipinanganak na may tatlong binti at dalawang ari
Ipinanganak diumano na may tatlong binti, dalawang ari, pero walang butas ang puwit ng isang sanggol mula sa Moscow, Russia. Nadiskubre na raw ito habang nasa sinapupunan pa lang ng kanyang ina.
Ayon sa mga doktor, maaaring dahil daw ito sa kambal sana ang magiging anak ng nanay pero hindi na-develop, kaya sa bata napunta ang extrang binti at ari.
Nang malaman daw ang tungkol sa kapansanan ng bata, abortion o pagpapalaglag daw ang suhestiyon sa kanya ng mga doktor. Pero hindi pumayag ang ina at inilabas ang bata sa pamamagitan ng normal delivery.
July 2018 nang ipanganak ang bata, at dahil sa kawalan ng butas sa kanyang puwit, kinailangan siyang operahan agad.
Pagkalipas ng isang buwan, tinanggal naman ang kanyang pangatlong binti, at sa sumunod na buwan ay ang kanya namang pangalawang ari. Inayos na rin ang butas ng kanyang puwit at inilagay sa tamang puwesto.
“Most likely, at the beginning these were twins. The middle leg had two heels. These had to be two boys, but [in the womb] it turned into just one baby.
The boy is 14 months old now. He is walking and looking around at the world. He is curious,” paliwanag ng isang spokesperson mula sa Moscow health department.
- Latest