^

Para Malibang

Zombie Family (221)

Gilda Olvidado - Pang-masa

KASWAL lang na nagkuwento sa ama ang dalawang teenagers. “Patago kaming sumakay. Kasi, narinig namin, papunta sila dito sa isla para maghatid ng supplies sa mga sundalo na nandidiyan sa dagat.”

“And then bigla na lang tumabingi ang lipad ng helicopter at nalaglag na kami sa tubig.”

“Hindi kami masyadong magaling lumangoy kasi kulang ‘yung turo ninyo sa amin ni Mommy, e. Pero dumating ang saviours namin, the body parts! Ang galing nila!”

“Pinasundo ninyo kami sa kanila, Dad? Paano ninyo nalamang malulunod kami?”

“Alam ninyo na kami ang dumating, Dad? Sakay sa military helicopter?”

Napapailing si Herman.

Kinikilabutan siya sa ESP ng mga body parts ni Marga.

“Wala akong alam. Sila lang ang nakakaalam na nasa helicopter kayo. Lahat sila nakatingin sa itaas nang dumating ang inyong helicopter. Bago ito bumagsak sa laot.”

“Wow! May kapangyarihan sila! Magiging powerful din kami dahil sa kanila!”

“Magaling talaga si Mommy!”

Pinormalan ni Herman ang mga anak. “Hindi natin ito dapat ikatuwa. Maaring may mangyayari in the near future na hindi natin magugustuhan.”

“Hindi magugustuhan? Dad! Ang KJ mo naman! I love these body parts! We love them! Kailangan lagi silang ganyan, nakakatulong sa atin!”

“Puwede ba silang … kumuha ng pagkain para sa amin, Daddy? Nagugutom na kasi ako, e.”

Kinabahan si Herman.

Duda niya, sanay pa ring kumain ng tao ang mga anak.

“Marami ritong … mga isda, mga gulay, mga prutas.”

Sabay na parang maduduwal ang dalawang teenagers.

“Kadiri!”

“Ang tagal na na­ming hindi kumakain nang ganyan! Hindi masarap! Walang lasa!”

“Pero ang mga ‘yan ang regular na pagkain ng mga tao.”

Nagkatinginan ang dalawang teenagers.

“Hindi naman kami mga ordinary, e.”

Ngumisi ang teenager na babae dahil mas gutom na ito, makikitang nanghahaba at tumutulis na ang mga ngipin sa loob ng bibig.

“Tingnan mo ako, Dad, o.” - ITUTULOY

vuukle comment

ZOMBIE FAMILY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with