^

Para Malibang

Illustrated Café

RAMPADORA - DC - Pang-masa

Kilala ang lugar ng Seoul sa bansang South Korea sa kakaiba at masasarap na mga kainan at restaurants dito.

Taong 2017 nang madagdag dito ang bagong bukas na café na matatagpuan sa Yeonman-dong district, ito ay ang café Yeonam-dong 239-20, at marahil ay nagtataka kayo sa pangalan ng kanilang café. Ito kasi mismo ang kanilang address. Dinarayo ang café na ito dahil sa kakaiba nitong interior looks.

Para ka kasing nasa isang eksena ng cartoon series o kaya naman ay nasa kuwento ng isang komiks, dahil mula sa dingding nito, mga pader, sahig, at kisame ay pawang mga drawing sketch ang hitsura. Sobrang detalyado ng bawat style.

Hindi lang sahig at kisame ang mukhang ini-sketch dito, dahil kahit pati sa utensils at mga pagkain nila ay mukha lang ding ginuhit.

Nakuha ng mga designer ng nasabing café ang idea na ito mula sa K-Drama na W – two worlds na pinagbidahan ng Korean stars na sina Lee Jong-Suk at Han Hyo-Joo. Ang babaeng bida kasi sa serye ay nakatira sa loob ng web comic book at nabubuhay sa pagitan ng kathang isip at mundo ng realidad.

Bukod sa mga iginuhit na interior, meron ding magandang hardin ang café kung saan makikita ang mga malalagong halaman at mga bulaklak na nakatutulong para ma-relax ang mga bumibisita. Kaya kung gusto n’yong ma-experience ang maging character ng isang comic book, at saktong nasa bansa kayo ng South Korea, bisitahin lamang ang Yeonnam-dong 239-20.

vuukle comment

CAFé

SOUTH KOREA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with