Palakasin ang immune system
Ang mga virus ay mabilis na naiipasa sa pamamagitan ng pagkontak ng hand-to-hand at pagbebeso. Hindi maiiwasan na makasalamuha sa ibang tao na nababahing, inuubo, at sinisipon. Pagkatapos ikaw ay naaatsing na rin. Hanggang maaari ay panatilihing malinis ang kamay sa pamamagitan ng regular na paghugas nito. Ang problema ay hindi mo naman mahuhugasan ang kamay ng ibang tao. Kung kaya expose na sa pagsagap ng mga virus mula sa paligid.
Upang mapanatili ang maayos na pag-function ng immune system ay kailangang malayo sa mga pathogenic bacteria at virus gaya ng mula sa cold at flu. Kailangan magkaroon nang sapat na immune-boosting nutrients upang mapalakas ang body’s internal defense network na gumana.
Ang vitamin A ay importanteng role para sa immunity bilang natural na pampalakas ng mga cells sa ating katawan. Ang mga best sources ng vitamin A ay ang kamote, carrots, spinach, mabeberdeng gulay, kalabasa, melon, bell pepper, at broccoli. Samantalang ang vitamin C ang isang kailangan para panlaban sa mga sakit gaya ng sipon at ubo. Natural na pagkukunan ng vitamin C ay ang pomelo, orange, ubas, lemon, papaya, pinya, strawberries, cauliflower, at iba pa.
Kung armado ng mga sapat na vitamins A at C ay tiyak na may pangkontra ang katawan na labanan ang mga mapaminsalang sakit sa katawan.
- Latest