^

Para Malibang

Multong Bahay (05)

Gilda Olividado - Pang-masa

KUNG may konti mang guilt si Agyana, madali niya itong natakpan. Move on siya kaagad.

“Hello,  Aira?”

“Yes, Agyana? How’s the party diyan sa BGC?”

“Exciting noong una. Pero may isa akong admirer na ... nabaril. Namatay na siya. Takot ako sa patayan. Paano kung magmumulto?”

“Ay, nakakatakot talaga. Kasi baka nga multuhin ka dahil ikaw pala ang dahilan ng kamatayan niya.”

“Huwag ka ngang magsabi nang ganyan! Oo nga pala, I called because I want to forget what happened. Anyway Friday night ngayon so okay naman na lumabas tayo, ‘di ba?”

“Lumabas na nga lalabas pa?”

“Ayoko pang umuwi. Gusto ko lasing na ako pag-uwi ko para makatulog kaagad. Kasi kung hindi ako makakatulog kaagad, matatakot lang ako roon sa namatay. Baka nga ... kaiisip ko sa kanya ay mumultuhin niya ako!”

“Ano ba? Hindi ka na ba talaga maggu-grow up? Maliliit pa tayo noon, takot ka na sa mga multo. Hanggang ngayon, mid-twenties  ka na, multo pa rin ang pinuproblema mo!”

“Pag hindi mo ako sinamahan, huwag na tayong magturingan na close friends.”

“O tingnan mo ‘to, pero sige na nga!”

Nagkita sa isa pang bar sa BGC sina Agyana at Aira. Eleven o’clock. Isang oras pa bago maging kinabukasan.

Walang kaalam-alam si Agyana na nalalapit na ang pagiging multo niya.

Enjoy sila ni Aira sa pag-inom ng mamahaling cocktails.

Sa pakikinig sa music ng isang banda na puro mga guwapo at patingin-tingin kay Agyana.

May tawag na mula sa mga magulang niya.

“Ano na naman ba ‘yan, Inay? Patawag-tawag pa kayo!”

“Papaalalahanan lang kita na mag-ingat ka sa pag-uwi mo, anak. Kasi gabing-gabi na. Sana rin, huwag ka masyadong magpa-late ng uwi. Kapag madaling-araw na, ang bibilis ng mga sasakyang malalaki, delikado na, anak.”

“Hindi na naman ako bata, e! Sige na, tigilan na ang tawag na ito!”

“Hihintayin ko pa rin ang pag-uwi mo, anak. Hindi ako matutulog hanggang hindi ka nakauwi.”

“Hay naku! Bahala ka!”

Maghahating-gabi nang pumasok sa comfort room si Agyana para mag-retouch ng make-up. Pagharap niya sa salamin, unti-unti siyang naglalaho.

Itutuloy

vuukle comment

MULTONG BAHAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with