^

Para Malibang

Pangalawang Anino (496)

PANGALAWANG ANINO - Gilda Olividado - Pang-masa

UNTI-UNTING parang nababanat ang mukha ni Ariel habang patuloy na tinututok ng prinsepe ng kadiliman ang kanyang kamay sa mukha nito.

Pero humarang si Nanette.

At sinalag ng kanyang kamay ang pulang sinag na nanggagaling sa kamay ng prinsepe.

Ang kulay ng puwersa ni Nanette ay puti.

Ang kulay ng puwersa ng prinsepe ay pula.

Noong una, kita ang pananalig ng prinsepe sa kanyang kapangyarihan.

Walang makikitang pagkabahala sa kanyang anyo. Habang kapit sa kaliwang kamay si Angela, ang kanang kamay ay patuloy na lumalaban sa pamamagitan ng sinag sa sinag ng kapangyarihan ni Angela.

Si Ariel, kahit hindi na tinatamaan ng sinag ay halos tulala dahil sa nasagap na masamang kapangyarihan kanina ng prinsepe.

Si Angela ay nakangisi habang nakikitang naglalaban sina Angela at ang prinsepe.

Naniniwalang matatalo ng prinsepe si Nanette.

Totoo nga namang nahihirapan si Nanette dahil ang kanyang kalaban ay hindi ordinaryong masamang nilalang.

Kundi anak ng hari ng kadiliman.

Pero buo ang tiwala at pananalig ng dalagang banal sa Diyos.

Walang gumagalaw sa dalawang sinag. Parehong malakas, parehong ayaw bumigay.

Nang biglang may napakalakas na tumama sa ulo ng prinsepe ng kadiliman.

Isang matigas at ma­laking kahoy na inihataw sa prinsepe ni Arturo.

Na-caught off-guard ang prinsepe, tulad kaninang sinuntok siya ni Ariel.

Pero mas malakas ang hataw ni Arturo na may gamit na kahoy. Subsob ang prinsepe sa lupa, ang katawang tao ay bumigay.

Hindi na ito kumikilos, walang kaibahan sa isang tao na nawalan ng malay.

“Salamat, Arturo!” Nakahinga nang maluwag si Nanette.

“Puwede pa kaya nating madala at maitago sina Angela at Ariel? May pagkakataon pa ta­yong tumakas, Nanette!”  Itutuloy

vuukle comment

PANGALAWANG ANINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with