^

Para Malibang

Pangalawang Anino (442)

PANGALAWANG ANINO - Gilda Olividado - Pang-masa

HALOS taranta na ang panginoon ng kadiliman.

“Tagapag-alaga, nagbalik na bilang tao ang anyo ni Alona!”

“Ano’ng ibig sabihin noon, panginoon?”

“Tinatanggap na siya ng Diyos ng Kabutihan.”

“At lalong tumatagilid papunta sa kabutihan ang timbangan ng katotohanan?”

“Ganoon na nga. Lamang na lamang na ang pu­wersa ng kabutihan sa atin, Tagapag-alaga.”

“Paano ho tayo makabawi ng malaki? Puro sila na lang!”

“Ayan! Pati ikaw!”

“Ano’ng pati ako?”

“Hindi mo ba narinig ang sarili mo?

“Narinig ho.”

“O, ano’ng sinabi mo? Napansin mo man lang kaya?”

“Wala akong napansin, panginoon ng kadiliman.”

“May sinabi kang very identified sa Diyos ng Kabutihan, Tagapag-alagas!” Galit na ang panginoon ng impiyerno.

“Ano nga ho ‘yon?”

“Ano pa di ... ho! Naghoho ka nang bigla! Punyeta ka! Put ... ina ka!”

“Ay, ano ba ‘yan? Ang sakit naman sa teynga ng pagmumura n’yo!”

“O, nakita mo na? Pati mura ayaw mo na!”

Natigilan si Tagapag-alaga. “B-bakit nga ba? Nag-ho nga ba ako? Nag-n’yo? At kinikilabutan na sa mga mura? Ano ibig sabihin nito?”

“Anghel ka na halos, anak ka ng tokhang!”

“Anghel? Halos? Ako na maliit pa lang sumasamba na sa kasamaan, halos magiging anghel?”

“Masamang senyales na talaga ang mga ito ...” Napapailing ang hari ng mga demonyo.

Biglang naging insecure na insecure.

NAPAKAGANDA ng unang sinag ng araw. Nagkukuwentuhan sa hardin sina Angela at Ariel.

“Ano, nananaginip ka pa ba ng masama. Ng hari ng mga demonyo?”

Maaliwalas ang ngiti ni Angela. “Dumaan ang maraming gabi na puro magaganda ang mga napapanaginipan ko. Ang Diyos. Mga anghel. Mga bulaklak sa paraiso. Sa kalangitan.” Itutuloy

vuukle comment

PANGALAWANG ANINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with