Pagpupugay gamit ang kulay
SINUSUWERTE KA! - Fortuna (Pang-masa) - April 26, 2018 - 12:00am

Nagdudulot ng magan­dang kapalaran ang paggamit ng tamang kulay sa iba’t ibang bahagi ng inyong bahay. Ang paggamit ng kulay ay puwedeng iaplay sa paintings, kurtina, pintura ng wall, carpet, tiles, cushion, etc.

West- Masuwerteng gamitin ang white, gold, silver, yellow, at brown. Kapag na-energize o napagyaman ang lugar na ito ay susuwertehin ang mga anak sa kanilang pag-aaral at career. Kung may anak na tamad mag-aral, ang west sector ng bahay ang dapat i-check. Mga pangdispley na yari sa metal ang dapat idispley sa lugar na ito kagaya ng bell para lalong pasiglahin ang enerhiyang umiikot sa lugar na ito. Okey rin  na maglagay dito ng crystal.

Northwest- Puti, gold, at silver ang mga kulay na magbibigay sigla sa northwest. Ang epekto ay laging may mga taong tutulong sa inyo upang matupad ang inyong mga pangarap. Mainam din ito sa mga taong may hinahawakang mataas na posisyon sa trabaho o organisasyon.

Northwest ang pagya­yamanin para maging effective siyang pinuno at makuha niya ang loob ng kanyang mga tauhan. Ru yi at dragon tortoise ang magandang idispley rito.       

(Itutuloy)

WEST
Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with