^

Para Malibang

Misteryosong Hayop na Galing sa Banyo

HAYUP SA GALING - Pang-masa

Nagulantang ang isang pamilya sa Malaysia nang may biglang lumabas na misteryosong hayop mula sa kanilang inidoro noong isang araw.

Maihahalintulad ang misteryosong hayop sa isang gahiganteng linta.

Ang naturang kaganapan ay nakunan ng isang miyembro sa pamilya at agad nga itong nag-viral.

Suspetsa ng pamil­ya, matagal nang naninirahan ang nasabing hayop sa tubo sa ilalim ng kanilang tahanan at malamang ay wala na itong makain kaya lumabas at naghanap ng hangin. Mukha itong ahas pero mas malapad ang katawan.

Agad na pinakawalan ang hayop na may bigat na 20kg sa kalapit na canal.

Pagkatapos mag-viral ang video, ilan sa mga ekspertong nakapanood nito ang nagkumpirma na isa nga itong klase ng ahas, isang elephant trunk snake na mas malapad nga at lawlaw ang balat kumpara sa pangkaraniwang ahas na ating nakikita. Ayon pa sa kanila, malamang ay naubos na ang mga daga na kinakain ng ahas sa mga tubo kaya ito napilitang lumabas.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with