^

Para Malibang

Pangalawang Anino (156)

PANGALAWANG ANINO - Gilda Olividado - Pang-masa

NGUMISI si Yawan. “Kalokohan? Hindi ito kalokohan, Mang Gabo. Ang kalokohan ay iyung pinaasa ako ng anak ninyo na gusto rin niya ako. Pero itong sinasabi ko sa inyo ngayon, mangyayari kapag hindi kayo nagbigay ng gusto kong halaga.”

“Kaya naman pala umayaw sa iyo si Arturo sira ulo ka pala! Marami na nga rin akong narinig na demonya ka raw. Ayaw ko sanang maniwala pero iyan ang nakikita ko sa iyo ngayon!”

Nagalit si Yawan. “Gusto mong makita na talagang demonya ako? O ito, masdan mo!”

Pumikit saglit si Yawan at pagdilat ng kanyang mga mata may mga sungay na siya at pula na ang kulay ng balat.

Pati mga mata ay nag-aapoy na.

Napasigaw si Mang Gabo. “AAAHHHHHH!”

Humalakhak naman si Yawan na tuwang-tuwa. “HAHAHAHAAA!”

Hinintay niya hanggang mahimasmasan ang matanda.

Kumalma man si Mang Gabo namumutla naman nang husto.

“O ano, magbibigay ka na ng isang daang libong piso kundi tititigan ko na ang pangatlong bahagi ng palayan mo!”

Nagmakaawa na ang matanda. “Huwag ... marami ang umaasa sa palayan na ‘yan. Ang mga trabahador ko diyan ay hindi ko masusuwelduhan kapag hindi buo ang ani.”

“Iyon naman pala. O, bigay na. Kumuha ka na sa bangko, dito ako maghihintay. Bibigyan lang kita ng isang oras, sigurado naman ako na diyan lang sa sentro ang bangko mo.”

“Pero wala pa akong ganyang halaga. Nagkakapera lang ako nang malaki-laki pagkatapos ng ani at naibenta na ang karamihan sa palay.”

  Galit agad si Yawan. “Hindi ako naniniwala! Kung totoo man ‘yang sinasabi mo eh, di ma­ngutang ka sa bangko o kahit kanino na five-six! Madali kang makautang dahil may palayan kang aanihin na!”

“May mga utang na ako na nakatakdang bayaran pagkatapos din ng ani. Magigipit na ako nang husto kung uutang na naman!”

Walang pasensya si Yawan, talagang malupit.

“Hindi ako basta nagbabanta lang, tinutotoo ko ang sinasabi ko!”

At tinitigan ni Yawan ang ikatlong bahagi ng malawak na palayan. Sumirit ang apoy mula sa kanyang mga mata.

          - ITUTULOY

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with