Lihim ng Mount Cristobal
Matatagpuan ang Mount Cristobal katabi ng Mount Banahaw sa CALABARZON region ng Pilipinas. Kung ang Mount Banahaw ay sinasabing banal, ang Mount Cristobal naman ay tinaguriang “devil’s mountain”. Ito’y dahil ina-absorb umano nito ang lahat ng negative energies na nanggagaling sa Mount Banahaw.
Dahil dito, marami sa mga local people ang naniniwalang pinamamahayan ito ng mga multo at masasamang espiritu. Isa ang Mount Cristobal sa mga maraming misteryong kuwento at kababalaghan kaya naman ay kinatatakutan talaga ang nasabing bundok.
May isang kuwento rito kung saan isang magsing-irog ang namatay sa Mount Cristobal dahil sa deadly trail na kanilang dinaanan. Nagmumulto umano ang dalawa at bigla na lang susulpot kapag may mga umaakyat ng bundok. Dinadala ng dalawa ang mga climbers sa trail na kanilang tinahak noon at dito na nangyayari ang trahedya.
Pero kahit pa may mga istroyang kababalaghan tulad nito ay marami pa rin ang nagkakainteres na akyatin ang nasabing bundo dahil sa thrill na pag-akyat ng 5 oras na walang tigil para masilayan ang tutok ng nasabing bundok.
Sa palagay n’yo totoo kayang may nagmumultong magdyowa sa nasabing bundok o kathang isip lamang ito ng mga taong malikhain ang imahinasyon?
Kayo na ang humusga.
- Latest

















