Nasisilaw sa Pera
Dear Vanezza,
Isa na akong biyudo. Nagkaroon ako ng girlfriend pero mas bata sa akin. Masama ang loob ko dahil ipinagpalit ako sa mas mayaman din sa akin. Hindi nagtagal ay namatay din ang matandang kinakasama niya. Pinamanahan siya ng matanda ng bahay at negosyo. Nakikipagbalikan ang gf ko sa akin. Sabi niya ako ang totoo niyang mahal. Mahal ko pa rin siya kaya lang para kaming nagsabwatan para makuha ang kayamanan ng matanda. Nagdadalawang-isip ako kung makikipagbalikan ako.Ano ba ang mabuti kong gawin? - Jojo
Dear Jojo,
Pag-aralan mong mabuti ang iyong damdamin. Kung pipili ka ng asawa, kailangang siya’y babaeng hindi kayang masilaw ng salapi. Makakatagpo ka pa ng higit sa kanya.
Sumasaiyo,
Vanezza
- Latest