^

Para Malibang

Aswang Territory (216)

ASWANG TERRITORY - Pang-masa

SI ARMANI kahit hindi pa magaling, bilang aswang ay nakarating sa kinaroroonan ni Avia.

Natalon si Avia ng isang masamang lahi at nabalian ng pakpak. Nabawi pa ang kanyang baril na may benditadong tubig.

Bumagsak sa lupa si Avia at dinumog siya kaagad ng tatlong masasamang lahi.

Napalingon si Simeon at natanaw ang pagkuyog kay Avia ng tatlo niyang sakop.

“Hahahaharrr! Nakita mo ‘yon, paring gago? Ilang sandali mula ngayon, mapapatay na naman ang prinsesa ng mga mabubuting lahi! Ang minamahal ninyong si Avia!”

Basta na lang binitiwan ni Simeon si Father Albert matapos itong kalmutin sa dibdib.

Duguang bumagsak din sa lupa ang pari pero ang inaalala pa rin ay si Avia. “Avia! Tumakas ka! Huwag kang magpaabot kay Simeon! Panginoong Diyos, tulungan ninyo ang prinsesa ng mga mababait na aswang!”

Biglang parang lumakas si Simeon. Sa natatanaw na kalaban na siya na lamang ang hinihintay ng mga sakop niya para lagutan ng hininga si Avia.

Parang mababaliw sa tuwa si Simeon habang tumatakbo patungo sa kanyang misyon.

Pero may humarang! Kahawig niya! Alam niya kung sino!

“Armani!”

“Ako nga! Dadaan ka muna sa akin bago kay Avia, Simeon!”

“Hahaha! Kagagaling mo lang sa coma, ang tapang-tapang mo na?”

“Hanggang sa huling hibla ng hininga ko, iaalay ko kay Avia! At sa kabutihan!”

SI AVIA naman kahit pinagtutulungan ng mga masasamang lahi, natanaw niya si Armani na humarang para hindi siya mapuntahan ni Simeon.

Naluha si Avia, sa takot na baka hindi madadaig ni Armani ang lider ng mga masasamang lahi dahil sa kalagayan nito.

“Armani ... huwag mo na akong iligtas ... ayokong mapahamak ka ...” Sigaw ni Avia pero tingin niya, hindi siya narinig ng lalaking mahal.

Kaya inipon ni Avia ang lahat niyang lakas para makalaban pa at mapabagsak ang mga masasamang lahing kumukuyog sa kanya.

Buong tapang na sumuntok, nangalmot, nangagat, nanakal si Avia ... umaasang pareho pa silang mabubuhay ni Armani.-     ITUTULOY

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with