^

Para Malibang

Iwas sa maitim na kili-kili

Pang-masa

1. Lemon para sa natural na pang-bleach. Hindi lang pang-detox ginagamit ang lemon.  Natural bleach din ito para sa maitim na kili-kili. Ikuskos lang ang lemon wedge bago maligo perog gumamit ng moistu­rizer pagkatapos maligo para maiwasan ang pagka-dry ng balat.

2. ‘Wag indiyanin ang patatas. May bleaching power na taglay din ang patatas. Bagay naman ito sa mga may sensitive na balat. Ang lemon kasi ay mataas ang acid content na nakasusugat sa balat ng iba. Magkuskos ng hiniwa o ginayat na patatas sa kili-kili at iwan ito ng 5-10 minuto bago banlawan ng maligamgam na tubig.

3. Asukal pang-exfoliate. Ang pag-exfoliate ng kili-kili ay nakabubuti sa balat para matanggal ang dead skin. Paghaluin ang lemon juice at asukal at saka i-scrub sa kili-kili. Iwan ng 5-10 minuto bago banlawan.

4. Gatas. Kapag ang gatas ay inihalo sa curd, ang lactic acid nito ang gumagawa ng himala para makaputi ng kili-kili.

5. Huwag mag-ahit. Nag-iiwan ng buhok sa kili-kili ang pag-shave nito at nagkakaroon ng ilusyon na maitim ang parte na ito ng inyong katawan.

6. Iwasan ang mga deodorant. Ang harmful chemicals sa mga deodorant ang siyang nagpapaitim sa kili-kili. Dahil sa mga kemikal na ito, nagkakaroon ng dark pigmentation sa balat.

7. Huwag magsuot ng masikip na damit. ‘Pag masikip ang suot na damit, kumukuskos ang kili-kili sa tela na siyang nagiging sanhi ng pagkairita ng balat at skin pigmentation o pangingitim.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with