Pananaw sa Sarili
Minsan may mga panahon talaga na nagkakaraoon ng alinlangan sa sarili. Pero huwag itong gawing normal sa iyong buhay. Sa halip ay siguraduhin na sa bawat gagawin ay punung-puno ito ng tiwala sa sarili.
Hindi naman ibig sabihin ng confidence na meron ka, ay alam mo na ang lahat na parang hindi ka na magkakamali. Bagkus ay maganda lang na magkaroon ng healthy self image na hindi basta papayagan na matibag ng kabiguan at rejection ng ibang tao.
Bantayan lang ang sarili na baka naman maging mayabang na ang dating mo kahit maging sa paningin ng iba. Dahil ang taong mataas ang tingin sa sarili ay nuknukan ng yabang na feeling laging tama at hindi na puwedeng magkamali na magiging dahilan para layuan ng taong nasa paligid.
- Latest