_pang-masa
^

Para Malibang

Aswang Territory (30)

Pang-masa

NALUNGKOT man tanggap na naman ni Armani na siya na nga lang ang pupunta sa mundo ng mga aswang.

Dahil sa sobrang pagmamahal kay Avia.

“Paano, de mag-hunt ka na ng pagkain mo mamaya. Kasi naman, namumutla ka na, o.”

“Huwag mo na lang kasi akong ii-stalk. Para hindi mo na ako makikita na nagta-transform at baka magkagulo na naman. Promise ko sa iyo, wala akong kukuning tao na hindi masama. Pinakamasamang tao ang bibiktimahin ko para mabawasan na rin ang mga masasama sa mundo.”

“Okay, Avia. Naniniwala ako. Iisipin ko na lang, para ka lang vigilante. Bawal sa batas pero nakakatulong pa rin naman sa mundo.”

Buong pagmamahal na niyakap ni Avia ang nobyo.

SI CELTIC na aswang ay ibinuhos ang galit sa isang napakabait na mangingisda.

Nag-iisa ang mangingisda sa dagat sa kanyang napakaliit at lumang bangka nang dinagit ito ni Celtic at sa ere binunot sa katawan ang puso at atay.

Sa isang iglap ubos na ni Celtic ang mga lamang-loob at kanina pa niya naibagsak sa dagat ang halos wala nang laman na katawan ng pobreng mangingisda.

“Sa susunod, Armani! Ikaw na ang kakainin koooo!” Napakalakas pang sumigaw sa himpapawid si Celtic.

SI AVIA naman na aswang ay naghahanap ng tamang biktima.

Isang dalaga sa madilim na kahuyan ang tumatakbo, hinahabol ng dalawang lalaking hayok sa laman.

Gustong gahasain. Naabutan.

Pinagtutulungan na sanang hubaran at molestiyahin nang biglang tinamaan ng dalawang matitibay at malalakas na pakpak ni Avia.

Bumulagta agad ang dalawang lalaki. Pinatakas muna ni Avia ang dalagang magagahasa na sana.

At saka lang maayos na tinanggal ang mga puso at bituka ng kanyang mga biktima. Hindi nito kinain. Inilagay sa plastic at inuwi sa kanilang mansiyon.

Inialay ni Avia sa kusina ang mga dala, nakatingin sa kanya ang mga kapamilyang naging tao na ang itsura.

“Para po sa pagkain namin ni Armani. Bahala nang magluto ang ating mga kasambahay.”-      ITUTULOY

ACIRC ANG ARMANI AVIA BAHALA BAWAL BUMULAGTA BUONG DAHIL GUSTONG MGA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with