Kissable Lips
(Pang-masa) - January 20, 2016 - 9:00am

Noong araw, tampulan ng tukso ang mga taong may malalaking labi, mapababae o lalaki.

Madalas silang asarin sa tawag na “nguso, kabayo, kapal-labi, at kung anu-ano pa.

Pero alam n’yo ba na ngayon ay in na in ang pagkakaroon nito?

Laking pasasalamat siguro ng mga taong may makakapal na labi kina Angelina Jolie ng Hollywood at Anne Curtis ng local showbiz, kasi naman, kasabay ng pagsikat nila ay ang hangad ng kanilang fans na gayahin ang labi ng kanilang mga iniidolo.

Madalas gamiting sandata ang pulang lipstick para ma-achieve ang bigger lips na ala-Anne Curtis. Isa rin sa pinakasumisikat na gamit sa pagpapakapal ng labi ay ang lip liner.

Ang lip liner ay lapis na pang-labi, ginagamit ito sa pamamagitan ng paglinya sa paligid ng mga labi na mas malaki pa sa normal na hugis ng mga ito, dahil dito, magkakaroon ng ilusyon na malaki ang iyong labi.

Ito rin ang gamit ng halos lahat ng artista at impersonator para mas mapaganda ang kanilang mga sarili at agaw-pansin na kissable lips.

ANG ANGELINA JOLIE ANNE CURTIS ISA ITO KANILANG LABI MADALAS MGA NOONG PERO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with