Para sa ‘Tactless’ na Mister

ABH (Pang-masa) - January 10, 2016 - 9:00am

5 Bagay na HINDI DAPAT sabihin kay Misis kapag siya ay buntis:

1—Anuuu? Kumakain ka na naman! (Hoy…dalawa na sila, na nangangailangan ng nourishment. Kaya, ikaw, doblehin mo ang iyong pagsisikap sa paghahanapbuhay.)

2—Ang kalat naman ng ating bahay. (Hindi mo lang alam, mabigat ang  pakiramdam ng isang buntis lalo kung ito ay nasa unang tatlong buwan. Ang gusto lang nilang gawin ay humiga.)

3—Kapag tinatanong ka kung ano ang magandang kulay sa magiging room ni Baby, o ipapangalan sa kanya, huwag sasagot ng “Ikaw ang bahala”. (Para kang walang pakialam samantalang pareho lang ka­yong nag-enjoy nang “inasembol” mo ang batang iyan. Mag-suggest. Makialam. Mag-isip.)

4—Shopping na naman! (Ito ‘yung pagbili ng mga gamit ni Baby. Basta’t sumama ka na lang at huwag nang mag-comment pa ng negative.)

5—Bilisan mo! (Naku huwag na huwag itong sasabihin lalo na kung magkasabay kayong naglalakad sa kalsada. Ikaw kaya ang sasaksakan sa tiyan ng fetus na may timbang na 5 to 9 pounds?)

Giving birth is an ecstatic jubilant adventure not available to males. It is a woman’s crowning creative experience of a lifetime.”– John Stevenson

ACIRC ANG ANUUU BAGAY BILISAN IKAW ITO JOHN STEVENSON KAPAG KAYA STRONG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with