Angas ng bae
(Pang-masa) - November 21, 2015 - 9:00am

Pupuntahan ko lahat ng lugar na gusto kong puntahan. Kakainin ko lahat ng gusto kong kainin at mangungutang ako to the max para panggastos. Magpapakasaya ako araw-araw. Ibibigay ko ang mga gusto ng aking pamilya pero hindi ko sasabihin na may taning na ako. - Andrew, Zambales

Uubusin ko ang pera ko sa mga street bahay ampunan. Ibabahagi ko ang pera na naipon ko sa simbahan. Hindi naman kasi natin madadala sa kabilang buhay ang ating kayamanan. - Luis, Marinduque

Hmmm siguro makikipagbati ako sa mga nakaaway ko at nakasamaan ng loob. Reconciliation sa mga taong naging bahagi ng buhay ko. Pati ang mga ex-girlfriends ko. - Mike, Baguio

Magpapakasal ako at mambubuntis, kaila­ngan may maiwan ako sa mundong ibabaw bago man lang ako pumanaw! Wooooh! Rak-en-rol! Pero seryoso, gusto kong magkaroon ng iiwan sa mga magulang ko at babaeng mahal ko. - Carlo, Lanao del Sur

Wala akong gaga­wing kakaiba. Normal lang, parang nakaga­wian na. Ayokong isipin na mamamatay na ako. Siguro itse-cherish ko na lang ang bawat araw na kasama ko ang aking mga mahal sa buhay. Hihintayin ko na lang kung kailan ako kukunin ni Lord. - Zack, Makati

ACIRC AKO ANG AYOKONG HIHINTAYIN HMMM IBABAHAGI IBIBIGAY KAKAININ LANAO MGA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with