^

Para Malibang

Island of the undead (31)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

NASA  magkatabing toilet bowl na sina Miley at Blizzard, sinuwerteng mapaniwala si Reyna Coreana na sira nga ang tiyan nilang magkasintahan.

Nagsalita sa Ingles ang young lovers, alam na hindi marunong ng ganoong salita ang Undead na nagbabantay sa labas ng toilet.

“Blizzard, we get out here using the open window above. Then we run out to the seaside as fast as we can!”

“Okay, Miley!”

TAGADAG-TAGDAGDAG-DAG!

Parang sa mga kabayo ang yabag ng dalawang tao.

Naghihikab ang dalawang bantay na Undead sa labas ng toilet.

“Huwag mong sabihing lalanguyin natin ang dagat hanggang sa kabila! Napakaimposible niyon, Miley!

“Shark-infested ang dagat, bago natin matawid ay tiyak na nakain na tayo ng mga pating!”

“Blizzard, sasakay tayo sa mga tumbang puno ng saging! Nakalulutang sila sa dagat!”

“Pero paano mo naman nasiguro na meron tayong makikitang buwal na puno ng saging, Miley?”

Malayo pa kasi ang tabing-dagat, imposibleng makita ng naked eye ang nasa dalampasigan.

“Blizzard, may nagbubulong sa akin—meron doong buwal na mga puno ng saging! Just trust me, okay?”

“O-okay!”

Meron ngang mga punong saging sa tabing-dagat. Amazed na amazed na kay Miley si Blizzard.

Paborito ba ito ng Diyos kaya lagi nang pinapatnubayan? Ito ang naisaloob  ng binata.

Tinuhog nila ng nagkalat na kawayan ang mga puno ng saging. Nakagawa sila ng  matatag  na balsa.

Saglit pa’y pumapalaot na sila sa dagat, gamit ang mga kamay sa pagsagwan.

Tirik ang araw, nalalapnos na halos ang kanilang mga balat. (Itutuloy)

ACIRC

ANG

DAGAT

DIYOS

HUWAG

ITO

ITUTULOY

MALAYO

MGA

MILEY

REYNA COREANA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with