^

Para Malibang

Bipolar’ ka ba? (1)

BODY PAX - Pang-masa

Bipolar disorder ay isang mental disorder na kung saan ay mabilis na nagbabago ang mood at pagbabago ng sigla at lebel ng aktibidad. Sa panahon ng abnormal na pagbabago, ang pasyente ay nahihirapang matapos ang kanilang ginagawa. Ito  ay kilala rin bilang  manic-depressive illness. Bipolar disorder ay isang seryosong sakit sa pag-iisip na maaaring makasira ng relasyon, career, at maaa­ring mapektuhan nito ang pag-aaral ng pasyente. Ayon sa American Psychological Association1 ang pagbabagong ito sa damdamin ay nagpapalakas sa silakbo ng damdamin na maaaring maging dahilan ng pagpapakamatay ng pasyente. Ang sakit na ito sa pag-iisip ay maaaring gumaling sa pamamagitan ng tamang pangangalaga at tamang gamutan sa pas­yente upang maging maayos at produktibong buhay.

Anu-ano ang senyales at sintomas ng bipolar disorder?

* Pakiramdam ay nasa tuktok ng mundo, sob­rang saya at galak

* Sobrang tiwala at pag tingin sa sarili.

* Madalas mawalan ng pasensya.

* Sobrang daming sinasabi at masyadong mabilis magsalita

* Mabilis magpapalit-palit ng pananaw.

* May mapanganib na pag-uugali katulad ng kawalan ng delikadesa, pag abuso sa iligal na droga at alcohol at gumagawa ng mga mapanganib na aktibidad

* Naglulustay ng pera sa mga bagay na walang halaga

* Hirap maka-concentrate at madaling ma-distract. (Itutuloy)

AMERICAN PSYCHOLOGICAL ASSOCIATION

ANU

AYON

HIRAP

ITUTULOY

MABILIS

MADALAS

SOBRANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with