Paano kung wala kang kaibigan?
Iba’t-ibang uri ang tao, mayroong palakaibigan, masayahin at nag-e-enjoy na kasama ang kanyang mga kaibigan. Ngunit may mga tao rin naman na mas nais mag-isa. Bagama’t dapat igalang ang kanilang pagiging “lonerâ€, may mga pag-aaral pa rin na lumalabas na ang mga ganitong tao ay mabilis makaranas ng depresyon lalo pa at wala silang ibang napagsasabihan ng kanilang saloobin dahil wala silang kaibigan. Ngayon kung ikaw ang tipo ng tao na wala talagang gustong makipagkaibigan sa’yo, narito ang ilang paraan kung anong dapat mong gawin kahit wala kang kaibigan.
Suriin ang iyong sarili – Dapat mong tanungin ang iyong sarili kung bakit ayaw mong makipagkaibigan o ayaw makipagkaibigan ng mga tao sa’yo. Anong meron sa buhay mo bakit ka nawalan ng kaibigan? Kailangan mong sagutin ang mga tanong na ito ng buong katapatan sa iyong sarili. Sa pamamagitan nito, malalaman mo kung bakit ka napunta sa ganitong uri ng sitwasyon.
Magsimula sa iyong pamilya – Unang kaibiganin ang miyembro ng iyong pamilya. Dahil anuman ang iyong pagkatao, tiyak na tatanggapin ka nila at uunawain sa iyong sitwasyon.
Makisalamuha – Kung patuloy kang magmumukmok sa isang tabi, wala ka talagang makukuhang kaibigan kung ikinakahon mo ang iyong sarili sa isang lugar. Bakit hindi ka magbihis ng maayos at kumilos ng disente para makakuha rin ng mga mabubuti at maayos na kaibigan.
Maging mabait – May kasabihan “Same feather flocks togetherâ€, ibig sabihin, kung ikaw ay mabait at mabuting tao tiyak na makaka-magnet ka rin ng mabuting kaibigan. Kaya naman maging mabait, respetado at magalang sa kapwa. Itrato ang kapwa kagaya ng gusto mong pagtrato sa’yo. Palaging maging matapat sa iba. Sa pamamagitan nito, hindi ka magkamali sa pagpili ng grupo o kaibigan na iyong sasamahan.
Mahalin ang iyong sarili – Makakaya mong magmahal ng iba kung mahal mo rin ang iyong sarili. Dapat mong ipakita sa iyong kapwa kung paano mo pahalagahan ang iyong sarili sa pamamagitan ng pag-aayos at malusog. Alamin mo sa iyong sarili kung gaano ka kahalaga.
Ang kawalan man ng kaibigan ang iyong sitwasyon mo, tiyak na matatapos ito kung babaguhin mo ang sistema ng iyong pagkatao, pag-uugali at pagtrato sa iba. Huwag matakot na makisalamuha sa ibang tao. Ang tunay na kaibigan ay maghahangad ng kabutihan sa’yo
- Latest



















