^

Pang Movies

Bea, kinauumayan ang drama ng ibang fans

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Bea, kinauumayan ang drama ng ibang fans
Bea Alonzo

Ang ganda ng post ni Bea Alonzo gamit ang bago niyang photos, ang daming positive comments, pero hindi talaga maiwasang may sisingit na nega ang comments. Pampasira sa happy mood ng post ng aktres at ang mas nakakaloka, they claim to be a fan of Bea.

May nag-comment na “bagong Bea” dahil lang sa bagong photoshoot ng aktres. Tanong pa ng fans, dapat ba every after heartbreak, new you ang itatawag sa mga nakipag-break?

Sabi naman ng isa, maraming drama si Bea at nauumay siya.

Ang payo sa kanya, i-unfollow si Bea para hindi siya maumay at hindi na mainis.

Ito ang pinakatamang gawin, kapag ayaw mo sa isang tao, celebrity man o hindi, unfollow her, iwas stress pa at hindi ka makakapag-comment ng negative.

Pati ang caption ni Bea sa post niya na “I haven’t met the new me yet, but I think she’ll be alright” ay may pumuna rin. ‘Yun pala, galing sa lyric ng song ni Taylor Swift na Happiness ang caption niya.

Pero konti lang naman ang nega dahil karamihan ay nagustuhan.

Pati nga mga celebrity napa-wow. May tumawag pa nga sa kanya na “Anne Hathaway of the Philippines.”

Samantala, sa July na raw ang premiere ng Wi­dows’ War, may pinalalabas ng very short teaser ang GMA 7 na ikinokonek sa Royal Blood.

Ayun, marami ang na-excite kung paano tatakbo ang story nito at paano ang koneksyon sa mga karakter nina Bea at Carla Abellana.

Charo mas malinaw pa ang mata!

Ang funny ng convo ng netizens sa photo na kausap ni Charo Santos si Eva Darren sa katatapos na very controversial FAMAS.

Sa mga larawan, masaya silang nag-uusap at kaharap pa nila si Dante Rivero na nakikinig sa usapan ng dalawa.

Comment ng netizen, “Buti pa si madam charo natagpuan si madam eva.” May nag-comment pa ng “Si Madam Charo lang po nakakaalam kung nasaan si Miss Eva.”

Tanong din ng netizens, bakit si Charo nakita ito at may nagpatawa pa na dapat kuning usherette ang mahusay na aktres at dating executive ng ABS-CBN dahil ang dami niyang nahanap. May photo kasi si Charo kasama si Pilar Pilapil at si Dante nga na mabuti at walang dalang kontrobersya ang pagdalo sa FAMAS.

vuukle comment

BEA ALONZO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with