^

Pang Movies

Pwede nang mag-red carpet kahit sino...Xian, nirampa ang jowang produ sa Cannes!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Pwede nang mag-red carpet kahit sino...Xian, nirampa ang jowang produ sa Cannes!
Xian

Sad to say, ngayon hindi na malaking issue ang makarating ka sa pinakamalaking film festival sa mundo, ang Cannes Film Festival. Noong late ‘70s at ‘80s iyon lang makatuntong ang Pinoy sa red carpet sa Cannes, akala mo nanalo na sila.

Noong isang araw, sinu-sino na bang artista ang sinasabing nasa Cannes?

May picture na si Toni Gonzaga at ang asawang si Paul Soriano. Naroroon na rin si Xian Lim at ang syota niyang producer ng mga indie sa Vivamax na si Iris Lee.  

Pumarada na rin sa red carpet sa Cannes si Kylie Verzosa.

Ang mga festival sa abroad walang positibong epekto sa atin. Halimbawa, nanalo pang best actress si Jaclyn Jose sa pelikulang Ma Rosa, kumita ba iyon nang ipalabas sa Pilipinas? Sa tingin ninyo uulit pa ba ang financier ng pelikula kahit na nanalo sila ng award?

Nanalo rin ng award ang pelikulang Kinatay naipalabas pa ba iyon sa sinehan o straight to video na lang?

Ang masasabi nating talagang kinilala at nagtagumpay sa abroad ay si Manoling Conde, nang maibenta niya ang mga pelikula niyang Genghis Khan at Sons of the Seven Devils sa RKO na kumpanya ni Howard Hugh.

Nakapasok iyon sa international commercial theater circuits, at ang Genghis Khan ni Manuel Conde ay rated five stars sa libro ni Leonard Maltin samantalang 4 stars lamang ang kaparehong pelikula ni Omar Sharif na ginawa ng 20th Century Fox.

Ipagmamalaki pa ba ninyo ang junket sa Cannes?

Puwede kung makukuha ang pelikula ng isang distributor man lang at makapasok sa theater circuit, kung hindi rin, huwag na lang.

Star Cinema at GMA Films, aabangan kung gigiba rin ng takilya!

May balitang magsasanib-puwersa na rin daw ang Star Cinema ng ABS-CBN at ang GMA Films ng mga Gozon.

Magandang balita iyan dahil ang Star Cinema ay nakagawa ng maraming maaayos na pelikula na kumikita.

In fact, ang pinakamalaking pelikula ni Alden Richards ay gawa ng Star Cinema, ngayon iyong high grossing film nina Dingdong Dantes at Marian Rivera na kapwa taga-GMA ay gawa rin ng Star Cinema.

Ang pelikula nina Dingdong at Marian, malaki ang puhunan doon pero kasama sa kasosyo nila ang APT Productions ni Tony Tuviera, at ang Agosto Dos na ang may-ari ay sina Dingdong at Marian din.

Kaya siguro nga magandang pagsasanib nila ng powers ng Star Cinema, gagamitin nila ang kakayahan sa creative ng Star Cinema, at gagamitin naman ang puhunan ng GMA Films, magiging maganda para sa industriya.

Bata…, mapapanood ang restored version!

Ngayong araw na ito ipalalabas sa Metropolitan Theater ang restored version ng pelikulang Bata, Bata Paano Ka Ginawa, na mula sa panulat ni Lualhati Bautista at sa direksiyon ni Chito Roño.

Magandang panooring muli ang pelikulang iyan na ang balita ay iniimbitahan din sa isang malaking film festival sa Europe para maging featured film sa kanilang opening.

vuukle comment

CANNES FILM FESTIVAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with