^

Pang Movies

LJ, ipinagmalaking god’s fulfillment ang kanyang kaligayahan

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
LJ, ipinagmalaking god�s fulfillment ang kanyang kaligayahan
LJ Reyes at Philip Evangelista

Maraming netizens ang masaya sa buhay ngayon ni LJ Reyes. Kahit na iniwan na nito ang showbiz, naging kapalit naman daw no’n ay ang maganda at pangmatagalan na pagsasama nila ng mister niyang si Philip Evangelista.

Nag-post si LJ sa Instagram ng ilang photos na kuha ng kanyang mister during sunset noong magbakasyon sila sa Italy. 

“God’s grace and mercy and most importantly the beautiful life He has granted me and my family. And hopefully that radiates to whoever gets to read this. You are beautiful because you were made in God’s image. You behold the beauty that signifies God and all His glory,” caption pa niya.

October 2023 kinasal sina LJ at Philip sa New York kung saan naka-base na ang aktres at ang kanyang dalawang anak pagkatapos ng biglaang hiwalayan nila ni Paolo Contis after six years noong 2021. 

Tinawag ni LJ ang relasyon niya kay Philip na “fulfillment of God’s promises.” 

Anjo, tinutularan si Atom

Dream come true para kay GMA weatherma­n-turned-TV heartthrob na si Anjo Pertierra nang ma­ging parte siya ng documentary series para sa 24 Oras. 

Puwede na ngang sumunod si Anjo sa yapak ni Atom Araullo na isang award-winning documentarist na pang heartthob din ang image.

Mahilig daw talaga ang Unang Hirit host na manood ng docu-series ng iWitness, Reporters Notebook, Brigada, at ng 24 Oras.

Kinuwento ni Anjo ang pinaka-intense na istor­yang ginawa niyang documentary sa 24 Oras ay tungkol sa climate change. Sa episode ay nagpunta pa si Anjo sa Tondo, Manila, kung saan maraming basura, mainit, at dikit-dikit ang mga bahay.

Inamin din ni Anjo na naging challenge para sa kanya noong nag-uum­pisa pa lang paghiwalayin ang emosyon mula sa istorya.

Katy Perry, lalayas na sa AI

Moving on na si Katy Perry at last season na niya ang pagiging judge sa American Idol.

Kasalukuyang nasa gitna nang pag-shoot ng AI 7th season si Katy. Nagpaalam na raw siya sa dalawang kasama niyang judges na sina Lionel Richie at Luke Bryan.

“I am always emotional on finale, but gosh when this finale comes, I better just tape the false lashes to my face. I’m just trying to make space for other things. It’s not like me ending this show means I’m going to go retire on an island, even though that would be fabulous. I’m gonna go to work,” sey ni Perry na haharapin daw ang tinatapos niyang album na KP6. 

Gusto rin daw tutukan ni Katy ang paglaki ng 3-year old daughter nila ni Orlando Bloom na si Daisy Dove.

 

 

vuukle comment

LJ REYES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with