^

Pang Movies

Vic at Pauleen, sinupalpal ang mga judgmental

STAR TALK - Lolit Solis - Pang-masa

Ang bongga naman ng anniversary gift ni Pauleen Luna sa mister na si Vic Sotto.

In-upload niya ang litrato ng bunso nila ni Bossing na si Thia Marceline o Baby Mochi.

Ito pala ang regalo niya sa Open 24/7 actor sa kanilang ika-8th anniversary.

“8th Wedding Anniversary gift to my husband is my 1 week old Tia,” caption niya sa kanyang post sa social media.

“Thank you Lord for all the blessings and milestones we’ve been hitting these past few days. “Thank you for 8 peaceful years of marriage.
“I owe everything to You, Father,” dagdag niya pa.

Marami naman ang bumati sa parents ni Tali at pinuri si Baby Mochi na lalo ring gumaganda habang lumalaki.

Bigla kong naalala na nung bago sila ikasal ay may ilang nagsasabi na hindi sila magtatagal bilang mag-asawa dahil masyadong bata si Pauleen para kay Vic.

Pero napatunayan nilang wala sa edad ‘yan. Sabi  nga nila, numero lang edad. Nasa tao ‘yan at kung gaano nila kamahal ang isa’t isa.

Ayan, may masasabi pa ba ‘yung mga judgmental eight years ago?

Wa. Nganga sila. Mainggit sila sa masaya at bonggang pagsasama ng mag-asawa sa piling ng kanilang dalawang anak.

Happy 8th anniversary, Pauleen at Vic.

vuukle comment

PAULEEN LUNA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with