^

Pang Movies

Daniel, kinalma ang kathniel fans!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Daniel, kinalma ang kathniel fans!
Kathryn Bernardo at Daniel Padilla

Napayapa at sobrang tuwa ng KathNiel fans sa direct message raw ni Daniel Padilla sa grupo nila na ang sabi, “Relax na kayo aming mga Kathniels.. tama na ang pag-aalala, Breathe... Ako na ang bahala sa lahat. Mahal namin kayo sagad.”

Na-screenshot ang direct message na ito ni Daniel at na-share sa iba pang members na talaga namang tuwang-tuwa.

Nagpasalamat naman ang iba na sinagot ni Daniel ang pagko-call out nila rito. “Finally, every call out we made has finally paid off. This is the only thing we need, assurance & with this, we promise that we will fight again for you two. Ily both so much, it hurts.”

Hindi maiwasang may mga kuwestiyon kung si Daniel ba talaga ang sumagot sa KathNiel fans at baka troll daw ‘yun. Mas kilala naman ng KathNiel sina Daniel at Kathryn Bernardo at genuine ang kanilang saya, kaya deadma sila sa mga ayaw maniwala at gustong patuloy na may gulo sa mga idolo nila at sa KN fandom.

Ruffa, ayaw sumagot sa problemanina Richard at Sarah

Wala si Sarah Lahbati sa binyag ng anak ni Rocky Gutierrez at dahil tanging siya lang ang wala sa importanteng event ng Gutierrez family, may kanya-kanya na namang comment ang netizens.

Sa photos na pinost ni Ruffa Gutierrez, kumpleto ang mga anak ni Eddie Gutierrez mula kay Tonton Gutierrez at Ramon Christopher. Present din si Glydel Mercado at ang dalawang anak na babae ni Monching at ang dalawang anak nina Richard Gutierrez at Sarah pero wala ito.

Kaya lang, naka-off ang comment box ng Instagram ni Ruffa kung saan niya pinost ang photos sa binyag ng kanyang pamangkin at inaanak na rin, kaya hopia ang mga gustong mag-comment at magtanong.

At least, maganda ang usapan nina Richard at Sarah na habang may isyu pa silang dalawa, puwede nilang maisama ang dalawang anak sa mga ganap ng kani-kanyang pamilya. Pero sana nga sa Pasko at sa Bagong Taon, muli nating makita na magkasama sila with their two boys.

Maricel at Vilma, may pinagbulungan!

Naikot nina Maricel Soriano, LA Santos, at Roderick Paulate ang three existing noontime shows to promote In His Mother’s Eyes na showing na sa Nov. 29. 

Pare-parehong kaibigan nina Maricel at Roderick ang hosts ng tatlong noontime shows at welcome rin si LA sa TV5 at GMA 7, kaya dapat walang isyu na napanood sila sa EB.

Ipinalabas ang trailer ng IHME sa premiere night ng Marita ng Viva Films, tahimik na nanood ang tao at pagkatapos ng trailer, nagpalakpakan sila.

And speaking of Maricel, curious ang mga Marites kung ano ang pinagbulungan nila ni Vilma Santos nang magkita sa dressing room ng ABS-CBN nang mag-guest sila sa I Can Hear Your Voice. Naroon sina Maricel at Roderick to promote their movie at si Vilma naman para i-promote ang 2023 Metro Manila Film Festival entry nila ni Christopher de Leon na When I Met You in Tokyo.

vuukle comment

KATHRYN BERNARDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with