^

Pang Movies

MMFF Magic 10, kumpleto na!

RATED A. - Aster Amoyo - Pang-masa
MMFF Magic 10, kumpleto na!
Sharon at Alden
STAR/ File

Matapos i-anunsyo ang unang Top 4 sa ika-49th Metro Manila Film Festival (2023) nung nakaraang July 10, 2023 base sa isinumiteng scripts mula sa iba’t ibang film production companies kung saan unang nakapasok ang pelikulang A Mother & Son Story na tinatampukan nina Sharon Cuneta at Alden Richards na pinamahalaan ni Nuel Naval under Cineko Productions, Inc., ang K(ampon) ng Quantum Films na pinamahalaan ni King Palisoc at pinagbibidahan nina Beauty Gonzalez at Derek Ramsay, ang Penduko ng Sari-Sari Network na tinatampukan nina Matteo Guidicelli at Cristine Reyes na pinamahalaan ni Jason Paul Laxamana at ang Rewind, ang balik-tambalan sa pelikula after 13 years ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera na dinirek ni Mae Cruz-Alviar at joint production ng Star Cinema, APT Entertainment at AgostoDos Media masusi namang pinili kahapon, Oct. 17, ang natitirang apat pang pelikula na siyang official entries sa darating na MMFF. Pero sa halip na apat lamang na pelikula ay ginawa nila itong anim this time kaya 10 pelikula na bale ang official entries sa upcoming 2023 MMFF.

Ang mga ito ay ang Firely ng GMA Pictures & GMA Public Affairs. Ito’y sinusundan ng historical movie na GomBurZa ng Jesuit Communications at Saranggola Productions. Pasok din ang When I Met You In Tokyo na balik-tambalan nina Vilma Santos at Christopher de Leon na dinirek ni Rado Peru under JG Productions. Nariyan din ang Becky & Badette ni Jun Robles Lana under IdeaFirst Company and Octoberian Films. Pasok din ang pelikulang Mallari under Mentorque Productions. Ang isa pang pasok sa Magic 10 ay ang Broken Hearts Trip sa ilalim ng BMC Films.

Six out of 30 finished films ang pumasok sa Magic 10 ng ika-49th Metro Manila Film Festival na magsisimula sa darating na araw ng Pasko, Dec. 25, na tatagal hanggang Jan. 7, 2024 the following year.

Bukod sa taunang parada ng mga artist ang gaganapin sa KaMaNaVa area, ang Gabi ng Parangal ay gagawin naman on Dec. 27, 2023.

Kasama sa hindi pinalad na makapasok sa 2023 MMFF ay ang Pieta nina Nora Aunor at Alfred Vargas, ang In His Mother’s Eyes nina Maricel Soriano, Roderick Paulate, at LA Santos maging ang dalawang pelikulang dinirek ni Joel Lamangan, ang Ang Ina Mo kung saan tampok sina Lotlot de Leon at Charlie Dizon maging ang Lola Magdalena nina Liza Lorena, Gloria Diaz, Perla Bautista, Sunshine Cruz at Pia Moran.  Hindi rin nakapasok ang Nocturno ni Nadine Lustre at iba pa.

vuukle comment

ALDEN

SHARON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with