^

Pang Movies

Dating child actor na si Jiro Manio, volunteer na sa Rehab Center!

STAR TALK - Lolit Solis - Pang-masa
Dating child actor na si Jiro Manio, volunteer na sa Rehab Center!
Jiro Manio

MANILA, Philippines — Isa na palang volunteer staff o co-facilitator ang dating child star na si Jiro Manio sa DOH Treatment and Rehabilitation Center-Bataan.

Maituturing na isa sa promising child actors noon si Jiro dahil sa galing niya sa pagganap sa mga pelikula at nakatanggap ng award sa pelikulang Magnifico kung saan niya nakasama sina Gloria Romero at Albert Martinez.

Common knowledge na nalulong sa droga noon ang dating aktor at marami ang nanghinayang sa naudlot niyang showbiz career. Sa rami ng pinagdaanan ay inalala niya ang karerang iniwan niya noon. Hindi raw niya naa-appreciate ang mga award na natanggap noon pero nitong huli ay natauhan siya at na-realize na ang mga iyon ang katibayan niya bilang artista at hindi na mabubura ang katotohanang siya ang pinakabatang nanalo ng award.

“Hindi ko po ma-appreciate nung una na may mga award ako. ‘Tapos ito lang nung huli, naisip ko, nung napapabisyo-bisyo ako, naisip ko, ‘May mga trophy ako sa bahay, a, para saan kaya yun?’

“Tapos, parang may bumulong sa akin na, magagamit ko ‘yun na katibayan bilang artista. Kahit saan ka mapunta, nakalagay na sa history na ikaw ang pinakabatang nanalo ng award. Tapos ‘yun natauhan na ako, na-touch na ako no’n. Na-realize ko na, ‘Oo nga sa ‘kin nga ‘yun, nakuha ko ‘yun dahil pinaghirapan ko.’”

Hindi pa masabi ni Jiro kung babalikan niya ang showbiz dahil nakatutok pa siya sa kanyang paggaling ngayon.

vuukle comment

JIRO MANIO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with