^

Pang Movies

Ate Vi, Sinasamantala ang bakasyon  

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Ate Vi, Sinasamantala ang bakasyon         
Ate Vi

Sinasamantala ngayon ng Star for all Seasons na si Vilma Santos ang pagbabakasyon. Nabisita na niya pati ang nga kapatid niya sa US na matagal na niyang hindi nagagawa. Ang pamilya lang ni Luis ang hindi kasama dahil sa kanilang maliit pang anak na si Baby Rosie. Mahirap pa nga namang dalhin sa ganoong malalayong biyahe ang isang maliit na bata.

Pero ngayong nakabalik na si Ate VI, nakahanda na naman siyang humarap sa trabaho. Isipin ninyo, simula nang ma­ging artista siya noong nine years old pa lamang siya, ang bakasyon niya ay pasingit-singit lamang. Ikaw ba naman ang gumawa ng 26 na pelikula sa isang taon.

Iyon nga lang apat sa isang taon at kabilang pa ang kanyang TV show noon, hirap na siya eh. Tapos hindi rin naman siya natigil dahil ang kasunod naman noon ay 23 taong tuluy-tuloy na public service, bilang mayor, governor, at congresswoman. Kaya talagang noong gumawa siya ng desisyon na huwag na munang manungkulan, ang nasa isip naman niya ay bigyan ng kasiyahan ang kanyang sarili na napabayaan niya dahil sa mga naging trabaho niya nang mahabang panahon.

“Aaminin ko noong araw minsan nabubugnot din ako, tinatanong ko ang sarili ko hanggang kailan ko ba dapat i-maintain ang ganitong buhay, pero basta nakakausap ko ang mga kasama ko sa trabaho, at ang fans na alam mong naghihirap, gumagastos ng sarili nilang pera para sa iyo, ang mga direktor at producers na umaasa sa iyo, magtatrabaho ka na lang nang magtatrabaho, hindi ka na magtatanong,” pag-alala ni Ate Vi.

“Na-realize ko rin noong kalaunan, hindi pala para sa pamilya ko ang ginagawa ko. Kasi kung para sa pamilya lang, noong may naipon na kami, maaari na akong tumigil at mamuhay nang normal, pero papaano ang mga kasama ko na mawawalan ng trabaho. Papaano ang fans, na umiiyak basta sinabi kong gusto kong magpahinga. Iyong mga naging director ko at producers na panay paalala na may utang na loob kang dapat tanawin sa industriya. Hindi ako makatigil.”

Dagdag niya: “Eh di lalo naman noong napasok ako sa pulitika, noong una ang sabi ko susubukan ko lang, after all three years lang naman ang mayor, pero nagtuluy-tuloy na.”

Pero noong nakaraang eleksyon naisip na niyang unahin ang sarili.

Ngayon ay malamang na mapanood sa Metro Manila Film Festival ang pelikula nilang When I Met You In Tokyo ni Boyet de Leon.

May panahon pa sa lakwatsa bago ang promo at bago ang kasunod niyang project.

Bukod doon meron pa siyang mga endorsement.

Kaya masasabing mas normal ang buhay ngayon ni Ate Vi.

Video scandal ng aktor, pinagkalat ng kanyang Ex-GF

Kahapon nagulat kami nang may magpadala sa amin ng isang video scandal ng isang celebrity na kakilala namin. Hindi namin alam na mayroon din pala siyang scandal, pero makikita mo sa hitsura batang-bata pa siya at parang kinunan noong nagsisimula pa lang siya sa kanyang modeling career. Dahil kaibigan namin, tinawagan namin siya at sinabi sa kanya na may ganoon nga. Ipina-describe niya sa amin ang hitsura ng video, at tapos ay sinabi niya alam niya kung kailan iyon, mga 1998 pa raw iyon at alam niya kung sino ang gumawa, pero ayaw na niyang pansinin. Nagtawa lang siya at nagbiro pang ‘baka akala niya hindi mo pa nakita.’ Tapos inamin din niya na ang gumawa raw noon ay dati niyang girlfriend na masama pa rin ang loob simula noong mag-break sila at mag-asawa na siya.

Iyan na nga ba sinasabi namin eh, maski na babae gumagawa rin ng scandal ng kanilang boyfriend. Kuha raw iyon sa kanya mismong condo noong araw.

Nang matulog doon ang kanyang syota.

Naisip nga namin, may video scandal din kaya ang isang personality na nagpapatulog ng kanyang naging syota sa kanyang condo?

vuukle comment

VILMA SANTOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with