^

Pang Movies

Binyag ni Baby Peanut, kinumpleto ang pamilya!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Binyag ni Baby Peanut, kinumpleto ang pamilya!

Kumpleto ang grandparents ni Isabella Rose Manzano sa kanyang binyag dahil dumating sina Vilma Santos at Edu Manzano at sa pinost na photo ni Jessy Mendiola, makikitang masaya ang lola at lolo ni Baby Peanut. Dumalo rin sa baptism si Sen. Ralph Recto, hindi naman isinama ni Edu ang girlfriend na si Cherry Pie Picache.

Ang ganda ng blocking ng photo ng mga nabanggit dahil sina Vilma at Edu ang magkatabi at katabi nila si Ryan Christian na anak nina Vilma at Ralph. Nasa side naman ni Jessy si Ralph na may katabing girl na non-showbiz.

Sa photo ng mga ninang, parang sina Nikki Gil at Alex Gonzaga lang ang from showbiz at sa mga ninong naman, parang walang taga-showbiz. Dahil kasama sa picture si Ryan, we presume na isa siya sa mga ninong ng pamangkin.

Ang ganda ng mga ngiti ni Baby Peanut sa karamihan sa mga litrato niya, masaya tiyak ito na kumpleto ang kanyang pamilya sa kanyang binyag.

Pauleen, mabilis pa rin ang tibok ng puso kay Vic

Ika-69th birthday ni Vic Sotto kahapon at ang ganda-ganda ng birthday message ni Pauleen Luna sa asawa. Sabi nito, “To my soulmate, you are God’s gift to me and to so many people. I hope that you continue to make the people around you happy. Thank you for sharing your love to all of us.

“My heart still beats fast for you, my love. My one and only, happy happy birthday. I love you, forever.”

Mas masaya sana ang birthday ni Vic kung walang isyu ang TAPE Inc., at Eat Bulaga na isa sa host si Vic. Mas sasaya pa kapag binayaran ng TAPE Inc. si Vic sa utang nilang P30 million. Ganu’ng kalaking pera rin ang utang ng TAPE Inc., kay Joey de Leon at P28 million kay Maru Sotto na nagtrabahong sales executive sa TAPE Inc. Ang hindi nababanggit ni Tito Sen ay kung may utang sa kanya ang TAPE Inc., at kung magkano.

Liezel, na-fall agad kay Martin?!

Halata ang pagsama ng mukha ni Liezel Lopez nang biruin ni Boy Abunda na para siyang si Kristoffer Martin sa ginawa nilang eksena nang mag-guest sila ni Martin del Rosario sa Fast Talk with Boy Abunda to promote Voltes V: Legacy.

Ang tagal naalis ang pagsama ng mukha ni Liezel nang biruin ni Boy Abunda, kahit noong niyakap na siya ni Boy, hindi pa rin maayos ang mukha. Ex-boyfriend kasi nito si Kristoffer at hindi maganda ang kanilang breakup. Pero ngayon, okay na raw sila at inulit pa ang pagsasabing “we’re okay.”

Sa nasabing interview, inamin niya na madali siyang ma-fall at na-fall na raw siya kay Martin. Puro Martin nga ang sagot ni Liezel sa mga tanong ni Boy at mukha ngang na-fall na siya kay Martin. Kaya lang, parang wala sa plano ni Martin ang magka-love life sa ngayon dahil focused siya sa career.

Pagkatapos gampanan ni Martin sa Voltes V: Legacy ang role ni Prince Zardoz, mukhang magkaka-offer siya sa pelikula. Ito ay bukod sa The Cheating Game nina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz na kasama siya bilang kontrabida.

vuukle comment

JESSY MENDIOLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with