^

Pang Movies

Loisa at Ronnie, nilinaw ang nanakaw na 1 billion!   

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa

Kasama sa mga nawala kina Loisa Andalio at Ronnie Alonte ang crypto-currency investment nila worth 1 billion nang mabiktima sila ng Basag-Kotse Gang kamakailan sa Cavite.

Ang nasabing crypto currency ay nasa application ng kanilang mobile phone na nakuha ng mga kawatan. Hindi pa nila ito nababawi dahil hindi na nila alam kung paano ito bubuksan sa ibang device.

Nakausap namin ang LoiNie kahapon sa media conference ng Metro Manila Film Festival 2022 na My Teacher at nilinaw nila ang tungkol dito. Marami kasi ang nag-akala na 1 billion pesos ang nawala sa kanila.

“Nagulat din po kami sa reaksyon nila,” sey ng dalawa, “sa Pilipinas kasi, hindi sila techie. Nakakatuwa nga ho, eh, ‘yung mga nakakaintindi about sa crypto, naiintindihan nila, tumutulong sila, ang gandang mga comments nila.

“Pero ‘yung mga peanut na tao na iba, hindi nila alam, tinatawanan nila kami.”

Nilinaw nila na hindi raw 1 billion pesos ang investment nila kundi 1 billion coins.

“Basta ang punto po nito, hindi ho 1 billion (pesos) ‘yung binigay naming pera at nawala sa amin, hindi po. One billion coins po ‘yun, tig-1 billion coins po kami,” paliwanag ni Ronnie.

In pesos ay more or less equivalent to 2M daw ang halaga ng investment nila. Sa kasalukuyan ay may nilalapitan na silang tao para matulungan silang mabawi ito.

Kung hindi naman daw mabawi ay mag-iipon na lang daw sila ulit. At thankful naman sila na kahit may mga nawala ay mayroon din namang bagong blessings na dumadating.

Obvious na naghahanda na ang LoiNie sa kanilang future pero nang tanungin nga kung kailan ba nila balak magpakasal, sey nila ay wala pa naman daw sa plano dahil gusto nga muna nilang masecure muna ang kanilang future bago lumagay sa tahimik.

Anyway, happy ang LoiNie na maging part sila ng  My Teacher na collaboration ng mag-asawang Paul Soriano at Toni Gonzaga.

Mas lalo pa raw silang natuwa nang malaman nilang si Toni mismo ang may gusto na makasama sila sa movie.

“Sobrang grateful, na-appreciate namin. Kasi kung hindi dahil dun, wala naman kaming MMFF na entry, di ba? So, dahil kay ate Toni, grateful kami na napasama kami rito sa My Teacher,” sey ni Loisa.

Super-thankful din sila kay Direk Paul dahil after nga nila gawin ang My Teacher ay binigyan ulit sila ng bagong pelikula.

Ang My Teacher ay pinagbibidahan nina Toni and Joey de Leon mula sa direksyon ni Direk Paul under Ten17P Productions and TinCan Productions.

Joey, napapayag ni Toni dahil wala si Vic sa MMFF!

Medyo matagal-tagal ding hindi gumagawa ng pelikula si Joey de Leon kaya natanong siya sa mediacon kahapon ng My Teacher kung bakit nag-yes siya sa proyekto.

Ayon sa comedian/TV host/singer, bukod sa nagustuhan niya ang project ay nalaman niyang walang MMFF entry ang kaibigan niyang si Vic Sotto.

“Nabalitaan ko na hindi gagawa si Vic ng pelikula. Hindi siya gagawa, so sabi ko, ‘sayang,’ so pinili ko ‘yung kay Toni. Actually, ang daming offers, eh. Hindi, meron talaga. Pero hindi na ako nagpepelikula, eh. Semi-retired na ako.

“So, ‘yun ang istorya. Saka, maganda ‘yung istorya ni Paul and Toni, madrama, and binigyan ako ng free hand ni direk na sumundot sa (comedy). Hindi ko matiis na hindi magpatawa, eh,” sey ni Joey.

Na-miss din daw niya ang sitcom nila noon na Iskul Bukol na tungkol din sa school plus gusto rin niya ang ibang cast na kasama niya tulad nga ng LoiNie, Pauline Mendoza, Kych Minemoto, Isaiah dela Cruz, Hanna Arguelles and Carmi Martin.

Showing na ang My Teacher sa mga sinehan ngayong Dec. 25.

vuukle comment

LOISA ANDALIO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with