^

Pang Movies

Jeric, maraming katulad sa showbiz  

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Jeric, maraming katulad sa showbiz           
Jeric

Talaga bang kasiraan ng isang artistang lalaki kung malalaman ng fans na siya ay pumatol o syota ng isang bakla? Naitanong lang namin ito dahil noong mga nakaraang araw matindi ang usapan tungkol sa diumano ay relasyon ni Jeric Gonzales sa mga bakla. Tumindi ang mga usapan nang mayroong mga lumabas na pictures si Jeric sa social media na may hinahalikang bakla, at may suot pa silang magkatulad na singsing.

Mabilis na sinabi ng kanyang kampo na hindi totoo iyon, at stills lamang iyon mula sa isang indie film na ginawa niya dalawang taon na ang nakaraan. Pero hindi nila nasabi kung anong indie film na hindi raw natuloy.

May isa pang version ang tsismis na ‘yan, na ang kasama daw niya sa pictures ay ang producer ng isang indie film.

Pero ang tanong namin, talaga bang issue kung pumatol siya sa bakla? Issue ba kung sinu-sino ang  kanyang pinatulan at kung ilan na? Eh kung iisipin mo, ang dami ngayong sikat na artistang lalaki na naging syota rin ng bakla, bakit hindi naging issue iyon sa kanila?

Bakit kay Jeric lang?

Palagay namin, kung si Jeric nga ay pumatol at syota ng mga bakla, personal na niyang desisyon iyon. Kung ano man ang dahilan at pumayag siyang maging syota ng mga bakla, wala na rin tayong pakialam doon. Ang kailangan nating alamin, ano ang motibo ng nagkakalat ng tsismis na mga bakla rin?

Marami rin kaming kilalang bakla sa showbusiness. Marami rin ang mga kaibigan namin. Alam naman namin kung sino ang syota nila at inaamin naman nila iyon. Pero wala kaming pakialam doon.

Pen ‘di pa natutulungan ng Mowelfund

Hindi namin napapansin iyon, pero may panawagan pala silang tulong para sa actor na si Pen Medina, na naka-schedule sanang operahan ngayong araw na ito dahil sa degenerative disc disease. Dahil diyan, hindi na raw ito makatayo at makaupo.

Si Pen ay 71 na pala, at sinisikap ng kanyang pamilya na mairaos ang kanyang pagpapagamot, pero inaamin nilang hindi nila kaya, kaya humi­hingi sila ng tulong.

Kung dito sa Pilipinas ay naasikaso lamang iyang actors’ welfare, na noon pa iginigiit ni Kuya Germs,  noong nabubuhay pa siya, o kung ang Mowelfund katulad lang ng dati, siguro madaling mabibigyan ng tulong si Pen.

Ang Mowelfund kasi nagtayo ng training center para sa mga gustong matutong gumawa ng pelikula, at natural nabawasan ang pondo para sa pagtulong sa mga may sakit.

Sana naman may mga tumulong kay Pen, at sana gumaling siya agad.

Aktor, may special offer sa abroad

Kung natatandaan ninyo iyong mga nagha-house to house noon at may ibinebentang mga sabon o kung anu-ano pa, na ang tawag nila ay special offer? Ganoon din ang ginagawa ng isang male star sa kanyang career.

Kung kani-kanino siya nakikipagkita sa abroad at nag-aalok ng “special offer” niyang career pero aywan kung bakit hanggang ngayon naman ay walang pumatos.

vuukle comment

JERIC GONZALES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with