^

Pang Movies

Boy at Kuya Kim, lulundag na sa Kapuso?!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Boy at Kuya Kim, lulundag na sa Kapuso?!

Sabay na nabalitang lilipat sa GMA Network ang Kapamilya talents na sina Boy Abunda at Kim Atienza. Kanino kayang paglipat ang matutuloy this year na ito dahil kung next year pa, baka mabigyan ng bagong franchise ang ABS-CBN at wala nang rason para umalis pa sa Kapa­milya network ang dalawa.

Tinalakay ni Ogie Diaz ang diumano’y paglipat ni Boy sa Kapuso network sa kanyang vlog. May inaayos pa lang daw sa kontrata ni Boy, kaya hindi pa natutuloy. Kung totoo ito, babalik lang si Boy sa GMA Network dahil una siyang naging Kapuso bago maging Kapamilya.

Si Kim Atienza naman, five shows raw agad ang offer ng GMA Network sa kanya at kung anong mga show ito, malalaman kapag natuloy siyang lumipat.

Inalala ng netizens ang interview ni the late Ricky Lo kay Kim just last year, kung saan, napag-usapan ang ABS-CBN. Sa nasabing interview, nagpahayag ng loyalty sa network si Kim kahit walang franchise. Sabi nito, mananatili siyang Kapamilya hanggang sa huli niyang hininga.

Lea, kasali sa remake ng pretty little liars

In-announce ni Lea Salonga na na makakasama siya sa cast ng remake ng Pretty Little Liars na gagawin ng HBO Max. Gagampanan ni Lea ang role ni Elodie na mom ng aktres na si Malia Pyles.

Ina-announce ni Lea ang magandang balitang ito sa kanyang Instagram at Twitter accounts. “The moms have descended upon the town of Millwood! And we have secrets and lies of our own (can’t let the children have all the fun)!

“So excited to be part of the cast of Pretty Little Liars: Original Sin!” and Woooooooot again!”

Kabilang sa nag-comment sa post na ito ni Lea si Malia Pyles at ang sabi, “Couldn’t be happier” with matching red roses and heart emoji.

Pinost din ni Lea sa IG niya ang face mask at pass niya sa katatapos na 74th Annual Tony Awards kung saan, isa siya sa presenter sa nasabing awards night. Ang face mask at pass lang daw ang souvenirs niya sa Tony Awards.

Maja at Sanya, pag-aagawan si Bong?!

Dance segment sa Eat Bulaga raw ang iho-host ni Maja Salvador sa pagpasok niya sa nasabing noontime show. Hindi pa in-announce kung kailan siya magsisimulang mag-host sa EB  ng kanyang segment, pero ngayon pa lang, masaya na ang fans ni Maja para sa kanya.

Si Maja rin ang nabalitang makakasama ni Sen. Bong Revilla sa Book 2 ng Agimat ng Agila at kasama pa rin daw si Sanya Lopez. Nabanggit ni Bong na sa October pa ang start nila ng taping dahil recess sa Senado.

Hindi station-produced ng GMA Network ang EB at co-produced ni Bong at ng GMA ang Agimat ng Agila, kaya ang tanong ng netizens, matatawag bang Kapuso si Maja?

BOY ABUNDA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with