^

Pang Movies

Robin, napatambling sa mga paandar ni BB

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Robin, napatambling sa mga paandar ni BB
BB Gandanghari

Nakakatuwa naman na nagkaayos na pala ang magkapatid na Robin Padilla at BB Gandanghari. Ito ang ibinalita mismo ng action star sa panayam niya kay Ogie Diaz.

Ayon kay Binoe, bumabalik na raw sa dati ang kanilang relasyon at inamin niyang talagang nagulantang silang lahat sa paandar ng kapatid.

“Medyo maraming paandar si BB na nagulat kaming lahat, eh. Tumambling kaming lahat ng 3 tambling, eh. Ano bang nangyari dito sa isang ‘to?” natatawang sabi ni Binoe.

Pero okay na raw sila ngayon dahil nagkausap daw sila kamakailan nang mamatay ang isa nilang kapatid na si Royette Padilla at naayos na ang lahat.

Balak nga raw niyang regaluhan ng aso si BB dahil namatay ang alaga nitong doggie na si Imman at iyak daw ito nang iyak.

“Kung umiyak si BB, ibang klase, eh. May tono, eh,” sey ni Robin at ginaya pa ang pag-iyak ng kapatid na parang asong umaatungal.

Matatandaang last year ay naglabas ng sama ng loob si BB sa kanyang pamilya partikular na kay Robin dahil hindi raw siya iniintindi ng mga ito especially during those time na may pinagdaraanan siya. As we all know ay matagal nang naninirahang mag-isa sa US si BB.

Ayon kay Binoe, akala raw niya ay masaya na ang kapatid sa pinili nitong landas at hindi naman daw nila alam na may pinagdaraanan.

“’Yun naman ang lagi kong sinasabi sa kanya. ‘Tol, ‘yung pinili mong landas, kahit sino sa amin, hindi kami makaka-identify diyan kaya ‘wag kang magalit sa amin,’” sey ni Robin.

‘Pag nakikita raw kasi nila ang posts ni BB ay parang masaya naman daw ito. “Naka-tanga ka pa nga,” sambit pa ni Binoe.

“Kahit sino sa amin, hindi namin iisipin na may pinagdaraanan ka. ‘Yun lang naman kaya ‘wag kang magtatampo sa amin,” mensahe ni Binoe kay BB.

Naiintindihan naman daw nila ang mga hinaing ni BB, pero hindi naman din daw dapat sila hinusgahan ng kapatid.

vuukle comment

BB GANDANGHARI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with