Mariel, sinigaw-sigawan si Ivana!
Tukoy na tukoy na si Mariel Rodriguez ang TV host na tinukoy ni Ivana Alawi na sinigaw-sigawan siya at ang kanyang PA habang naghihintay na tawagin para sa guesting niya sa It’s Showtime.
Si Vice Ganda naman ang co-host ni Mariel na kung saan, on air daw nitong ikinuwento ang nangyari off-cam. May mga nakapanood sa nasabing episode kung saan, kinuwento nga ni Mariel na may pinagsabihan siya dahil sa kanyang PA.
Ano kaya ang masasabi ni Mariel dito? Na biglang naikuwento ni Ivana ang matagal nang nangyari? Busy pa naman si Mariel sa kanyang cooking vlog para istorbohin sa isiniwalat ni Ivana.
Fans ni Bea tuloy ang panlalait kay Dominic
Isa sa may pinakamagandang birthday greetings kay Mr. Johnny Manahan ay si Bea Alonzo. Pinost ni Bea ang litrato nila ni Mr. M sa kanyang Instagram at may caption na “Thank you so much for making me believe in myself and my talent. You taught me so much, and I literally won’t be BEA if not for you! (he gave me my screen name!) I have so much respect for you! I love you forever, Mr. M!!! Happy Birthday!!!”
And speaking of Bea, nasa IG Stories ni Dominic Roque ang post ng aktres na nagpapasalamat sa 1-M subscribers niya sa YouTube. Natuto na si Dominic, hindi na for everybody to see ang post niya about Bea at pati comment para hindi ma-trigger ang mga ayaw sa kanya na maging boyfriend ni Bea.
Iyon ngang wala naman siya sa litrato ng birthday greetings ni Bea kay Mr. M, na-bash pa rin siya. Hindi raw talaga siya bagay kay Bea dahil mas sikat ang GF kesa sa kanya. Pati nga mga kaibigan ni Dominic nadadamay sa galit ng ilang Bea fans sa kanya, hindi raw nila pinipigilan si Dominic na ‘wag manligaw kay Bea. Hahaha!
Alden, nirereto sa Korean dancer
Naka-post na sa Instagram ni Alden Richards ang TVC ng bago niyang endorsement para sa isang resto. Timing ang labas ng TVC dahil Valentine’s Day na bukas at marami ang gustong mag-order dito para sa kanilang dyowa o kaya’y girlfriend.
Kaya lang, mula nang lumabas ang TVC ni Alden para sa isang klase ng cake, na-sold out na ang nasabing klase ng cake. Ang daming nag-o-order, at sa February 15 na raw sila puwedeng mag-order.
May nabasa pala kaming comment sa Instagram ni Alden na he should ask Dasuri Choi out dahil pareho silang single at tiyak daw na gugustuhin ni Dasuri na magkape na may cake.
Ayun may mga nag-react at baka raw si Dasuri naman ang susunod na i-bash ng ilang AlDub fans na kilos lang ni Alden ang binabantayan.
Valentine’s Day presentation pala ng All-Out Sundays bukas at may special treat sina Alden at mga kasama para sa Kapuso viewers. Sa gabi naman, mapapanood pa rin si Alden na nagho-host ng Centerstage.
Vice, may pinariringgang ahas
May pinatutungkulan ba si Vice Ganda sa tweet niyang “Malapit na mag-Feb. 14. Madami na’ng nagkukumahog sa pag-awra para umabot. Pati mga ahas porshur double time sa pandadaot.”
Gustong malaman ng fans ni Vice kung sino ang kanyang pinariringgan sa tweet na ito dahil may pinaghuhugutan daw. Para namang walang ibang girls na nali-link sa boyfriend niyang si Ion Perez, kaya walang dapat masyokot.
- Latest