Arnel rumesbak, nakaladkad sa kapatid na arestado sa shabu

Nakaladkad ang pangalan ni Arnel Pineda, lead singer ng international rock band na The Journey nang arestuhin ng mga awtoridad nitong nakaraang mga araw sa Quezon City ang kapatid niyang si Rusmon Pineda na nahulihan ng 30 grams ng umano’y shabu.
Kasamang naaresto ng pulisya ang isang barangay tanod na nag-deny na bahagi siya ng illegal na gawain habang walang naging pahayag si Rusmon.
Dinagsa ng bashers si Arnel dahil sa nangyari kaya agad itong bumuwelta sa kanyang post sa Instagram. Bahagi ng post ng international singer, “To the bashers and who chose to cowardly succumb to prejudism and unkindness while hiding conveniently in the cloak of your keyboards and computer screens, there are more helpful and useful things to do, like facing your precious mirror once in a while.
“Who knows, you might find yourselves as imperfect as me, my family and everyone else.”
Pinasalamatan naman niya ang kanyang supporters para sa suporta at pagmamahal na ipinadama sa kanya. “You don’t even know how much all of you have hugely blessed us by sending kind and comforting words. May God be with you always. Love and peace,” saad ni Arnel.
- Latest