^

Pang Movies

Sarah adjusted na sa pagiging misis kay Matteo!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Sarah adjusted na sa pagiging misis kay Matteo!

Last Sunday ay magkasamang ipinagdiwang nina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo ang kanilang first Easter Sunday bilang mag-asawa. Naka-post sa Instagram account ng kanilang avid fan (or staff?) ang mga larawan ng kanilang selebras­yon kung saan ay kasama rin nila ang pamilya ng aktor.

Sa larawan ay makikitang masaya silang nasa hapag-kainan with Matteo’s family at sama-samang nag-lunch.

Ayon sa report ng ABS-CBN, the Guidicellis had an intimate lunch sa bahay nina Sarah and Matteo sa Alabang.

Makikita rin sa larawan na masayang nagkukulay ang mag-asawa ng Easter eggs.

Picture of sweet and happy newlyweds sina Matteo at Sarah at obvious na tila nasa honeymoon stage pa rin sila lalo na nga’t extended ang enhanced community quarantine.

Sen. Bong nakapagpa-deliver pa ng flowers

Natatawa na lang sa sarili si Bacoor Mayor Lani Mercado sa naging pagkakamali niya sa pagsasabing COVID-14 instead of COVID-19. Sa video na ipinost ng mister na si Sen. Bong Revilla sa Facebook ay pinagtawanan na lang nila ang nasabing pagkakamali pero kasabay nito ay nag-sorry rin si Mayora sa publiko. “Sorry po, talagang. . .wala na, dami po talagang iniisip. Pero sorry po sa mga nagalit, ‘wag na ho kayong magalit, tapos na po ang Mahal Na Araw,” pahayag ni Lani sa video.

“Bawal po magkamali pala ang mga alkalde, tao lang po, pasensiya na. Pero ginagawa po talaga natin lahat ng ating magagawa para lang maalpasan natin itong mga pagsubok na ‘to.

“And we’re praying na sana mahanap na po talaga ang lunas sa CO­VID-19 (with emphasis). Thank you so much,” patuloy pa ni Lani.

Kaarawan ni Mayora kahapon (April 13) kaya may pasabog si Sen. Bong at binigyan siya ng bouquet of sunflowers.

Na-touch naman si Mayor Lani dahil kahit naka-enhanced community qua­rantine ay nagawa pa ng mister na makakapagpa-deliver ng flowers.

vuukle comment

SARAH GERONIMO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with