Aicelle at Mark naudlot ang paggawa ng baby
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - April 1, 2020 - 12:00am

Dahil sa COVID-19 pandemic, hindi natuloy ang honeymoon ng mag-asawang broadcaster na si Mark Zambrano at international stage actress Aicelle Santos.  Noon pang November, 2019 ikinasal sila pero dahil sa commitments ni Aicelle, ipinagpaliban muna nila ang kanilang honeymoon.

Post ni Aicelle sa kanyang Instagram wall yesterday morning, March 31- Today wouldve been our honeymoon, to a destination we longed to make more happy memories and ultimately make babies.  I guess they ought to be made in the Philippines.”

Nagbigay din si Aicelle ng message: kung nasaan man kayo ngayon, sa bahay o nasa labas na nagsisilbi sa bayan...sanay nasa mabuti kayong kalagayan. Dasal namin: Kasama natin ang Panginoon, aayos din ang lahat.”

Kailangan ding tapusin muna ni Aicelle ang pagda-judge niya sa musical competition for kids, ang Centerstage na pansamantalang naka-hold ngayon.

Alden at Maine sanib-puwersa sa pamimigay ng hot meals

Pareho ring nanawagan sina Alden Richards at Maine Mendoza, bilang mga endorser ng McDonald, sa fund raising ng mcdo_ph Kindness Kitchen para mag-provide ng hot meals sa mga pamilyang nangangailangan ng tulong.  Si Alden, sa ngayon ay nakapagbigay na ng more than 35,000 McDo hot meals sa Binan, Laguna at sa Cebu.

Si Maine naman ay kailangan niyang makapagbigay ng 2,000 hot meals sa mga pamilyang nangangailangan sa mga barangays sa Bulacan. Ang Php1,000 donation ay makapagbibigay ng 20 hot meals. Pwede kayong mag-donate sa Ronald Mc Donald Home Charities of the Philippines sa pamamagitan ng bank deposit or sa rmhc.org.ph/donate.

AICELLE SANTOS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with